Dahil sa kinanselang iskedyul ng pagdinig sa war on drugs: Digong Duterte, pupunta pa rin ng Kongreso para harapin ang mga miyembro ng Quad comm
- Published on November 13, 2024
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni dating presidential legal counsel Salvador Panelo na tuloy ang pagpunta nila ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte, araw ng Miyerkules, Nobyembre 13 sa Batasang Pambansa.
Kokomprontahin kasi ni dating Pangulong Duterte ang mga miyembro ng Quad Committee dahil sa ginawang pagkansela ng mga ito sa 10am scheduled hearing ukol sa war on drugs ng nakalipas na administrasyon.
“PRRD and I will go to Batasang Pambansa tomorrow at 10 a.m. and confront the Quad Committee members why after demanding his presence and accepting their invitation and coming here last night, they will just cancel it without prior notice,” ang sinabi ni Panelo.
Hindi palalampasin ni Digong Duterte ang pagkakataon na maharap ang mga miyembro ng House quad-committee na nag-iimbestiga sa madugong war on drugs at uriratin ukol sa kanselasyon ng scheduled hearing matapos niyang (Digong Durete) na tanggapin ang imbitasyon ng komite.
Sa katunayan, hahamunin pa ng dating Pangulo ang quad-comm members ng isang “marathon hearing.”
“He will ask them to schedule a marathon hearing of ten days,” ang sinabi ni Panelo.
Araw ng Lunes, tinanggap ni dating Pangulong Duterte ang imbitasyon na dumalo sa pang- 11 pagdinig ng quad-committee na naka-iskedyul, araw ng Miyerkules, Nobyembre 13.
Subalit makikita sa website ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na ang House committees on dangerous drugs, public accounts, public order and safety, and human rights na ang itinakdang pagdinig para sa nasabing araw ay kanselado.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na dadalo si Digong Duterte sa House quad-comm’s hearing hinggil sa di umano’y extrajudicial killings sa panahon ng kanyang termino na may kinalaman sa ‘war on drugs campaign.’
Matatandaang, hindi dumating si Digong Duterte sa pang-10 pagdinig ng komite noong Nov. 7 matapos kuwestiyunin ang integridad ng ilang mambabatas.
Noong nakaraang buwan, sa halip ay dumalo ang dating Pangulo sa kahalintulad na pagdinig sa Senado. (Daris Jose)
-
MMDA naniniwalang hindi kailangang ipatupad ang curfew sa NCR
NANINIWALA si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na hindi na kailangang ipatupad ang curfew sa National Capital Region (NCR). Sinabi ni Abalos na ito ay dahil sa ang mga residente naman ng Metro Manila ay “self-regulating” sa gitna ng surge ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19). Paliwanag niya, dahil […]
-
Pfizer vaccine na dumating, inilaan na ipamahagi sa mga lugar na mayroong “high coronavirus cases”-Galvez
SINABI ng National Task Force Against Covid-19 na ang bulto ng government-procured Pfizer vaccine na dumating sa bansa, araw ng Miyerkules ay inilaan na ipamahagi sa mga lugar na mayroong “high coronavirus cases”. Tinatayang may kabuuang 813,150 doses ang dumating sa bansa via Air Hongkong flight LD456 dakong alas- 8:30 ng gabi sa Ninoy […]
-
Slash price ‘yun na ka-presyo ng parking slot… CARLA, nilinaw na hindi P2M lang ang binebentang posh condo unit
KLINARO ni Carla Abellana na hindi totoong P2M ang presyo ng pag-aaring condo unit sa may The Grove by Rockwell na matatagpuan sa E. Rodriguez Jr. Avenue, Pasig City. Matatandaang pinost ni Carla ang kabuuan ng video ng unit niya noong Pebrero 28 para ipakita sa pubiko dahil ibinebenta na niya ito o […]