• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil sa magandang cover ng Singaporean magazine: LIZA, pinuri ng Filipino-Canadian actress na si SHAY MITCHELL

HINDI na raw masyadong nagulat si Carmina Villarroel sa pag-amin nila Mavy Legaspi at Kyline Alcantara sa nararamdaman nila sa isa’t isa.

 

 

Noon pa raw ramdam ni Mina na importante si Kyline sa buhay ng kanyang anak na si Mavy, kaya naman suportado raw niya ang happiness ng dalawang batang ito.

 

 

Pahayag ni Mina: “As long as they’re happy. Ako bilang ina, as long as they’re okay, as long as they’re happy, basta ang importante lang, they know their priorities, which is ‘yung career naman nila. Alam naman natin ‘yun, kahit naman sila, they’re very vocal na career muna.”

 

 

Dagdag pa ng ‘Abot-Kamay Na Pangarap’ star na noon pa niya nakita ang magandang chemistry ng dalawa noong una silang nagsama sa teleserye na ‘I Left My Heart in Sorsogon’ noong 2021. Noong mabuo na ang MavLine loveteam sa ilalim ng Sparkle GMA Artist Center, si Mina ang unang sumang-ayon sa tambalan ng dalawa.

 

 

Samantalang thankful si Mavy sa suporta na bigay ng kanyang Mommy Mina: “Thank you for believing in me and for believing kung sino ‘yung mahal ko sa buhay ko at ‘yung mahal ko sa trabaho ko.”

 

 

Nasa “courting stage” pa lang daw ang dalawang bida ng GMA series na ‘Luv Is: Love at First Read’.

 

 

***

 

 

PINURI ng Filipino-Canadian actress na si Shay Mitchell ang magandang cover ni Liza Soberano sa June/July 2023 issue ng Grazia magazine na isang Singapore-based fashion magazine.

 

 

Sa naturang magazine, may feature si Liza tungkol sa kanyang Hollywood debut, celebrity culture at ang views nito sa kasalukuyang entertainment industry.

 

 

Ni-repost ng ‘Pretty Little Liars’ star ang magazine cover sa kanyang Instagram Story ay nilagyan niya ng caption na “Absolutely stunning. This is just the beginning. Can’t wait to have you out here for this next chapter!”

 

 

Kahit na hindi pa nagkikita ng personal, naging magkaibigan sina Liza at Shay noong pareho silang kunin para magbigay ng boses sa Filipino and English versions ng Netflix animated series na ‘Trese After Dark’ noong 2021.

 

 

Isa sa followers ni Liza si Shay sa IG at natuwa ang aktres noong makatanggap siya ng private message mula sa Fil-Canadian star.

 

 

Kuwento pa noon ni Liza: “We’ve never really talked in person yet but she did follow me on Instagram. Kinikilig nga ako noon. She messaged me. Of course, I messaged her right away. She was telling me that she hopes to meet me one day and I said I hope so too and she just replied, ‘I hope it’s sooner than later.’ That was our conversation. She’s really sweet.”

 

 

Nakilala rin si Shay sa paglabas nito sa mga pelikulang ‘Mother’s Day’, ‘Something From Tiffany’s’, ‘Dreamland’, ‘Verona’ and ‘The Possession of Hannah Grace’.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • 20 Pinay, nailigtas mula ‘surrogacy scheme’ sa Cambodia – Embahada

    NAILIGTAS ng Cambodian National Police noong huling bahagi ng Setyembre ang 20 Filipina na dinala sa Cambodia para sa surrogacy scheme.   Ang ‘surrogacy’ ay isang sayentipikong pagpupunla ng mga cell ng dalawang magulang na hindi na kayang magkaanak sa ibang babaeng pwedeng manganak   Sinabi ng Philippine Embassy sa Cambodia na naligtas ng Cambodian […]

  • Ex-child star na si Hopia, excited masolo sa bakasyon ang BF ngayong engaged na

    Hindi akalain ni Katrina Legaspi o nakilala noon bilang si “Hopia,” na maiisip ng kanyang longtime boyfriend na alukin na siya ng kasal.   Nitong weekend nang ibahagi ng dating child star at ngayo’y 26-year-old na, ang pagbigay nito sa matamis na “oo” sa marriage proposal ng kanyang boyfriend of six years.   Ayon kay […]

  • PH HIGH SCHOOL FOR SPORTS, LUSOT NA SA SENADO

    LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang nagpapalikha sa Philippine High School for Sports (PHSS), isang educational institution na nakadisenyo para sa mga estudyanteng Filipino na nagnanais na magkaroon ng “long-term career in sports.”   Sa 21 senador na present sa session, wala dito ang kumontra sa sa Senate Bill No. […]