• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil sa P10 milyong halaga ng libro na pinondohan ng OVP… VP Sara, Hontiveros nagsagutan sa budget hearing

NAGKASAGUTAN sina Vice President Sara Duterte at Sen. Risa Hontiveros sa pagdinig ng panukalang pambansang budget ng Office of the Vice President (OVP) na nagkakahalaga ng P2.037 bilyon para sa susunod na taon.

 

 

 

 

Nag-ugat ang sagutan ng dalawa nang usisain ni Hontiveros kung ano ang paksa ng librong inakda mismo ni Duterte na pinondohan ng P10 milyon at ipamamahagi ng OVP sa mga mag-aaral sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

 

 

“Huling tanong ko sa ngayon, for 2025 one of the OVPs programs, pagbabago campaign, a million learners entries involves a provision of bags to 1 million learners in remote communities while initia­ting tree planting activities, this gets an appropriation of 100M pesos, part of this campaign is an allocation of 10M pesos for the distribution of Isang Kaibigan books, a children’s book authored by the VP. Pwede po bang sabihin…more tungkol sa librong ito?” tanong ni Hontiveros.

 

 

 

Hindi tahasang sinagot ni Duterte kung ano ang paksa ng librong pambata at sa halip ay inakusahan si Hontiveros nang “pamumulitika” sa pondo ng gobyerno.

 

 

 

Ipinaalala rin ni Duterte ang ginawang paghingi ng tulong sa kanya ni Hontiveros noong tumakbo ito pero noong manalo ay siya ang unang umatake sa kanyang ama na si dating pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

 

“Madam chair, the book is not for sale. We only pay for the publication of the book and we will send Sen. Hontiveros a copy so that she will know what is the content of the book,” ani Duterte. (Daris Jose)

Other News
  • 4K NAVOTEÑOS NAKATANGGAP NG TULONG PINANSYAL

    NAKATANGGAP ng tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa ilalim ng iba’t ibang programa ang nasa 4,000 Navoteños.     May kabuuang 3,832 rehistradong mangingisda at mga driver ng tricycle de padyak at de motor ang nakakuha ng P3,000 cash subsidy mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng Department […]

  • ‘NBA nalugi ng $8.3-B dahil sa COVID pandemic’

    UMAABOT umano sa 10 porsyento o katumbas ng $8.3 billion ang ikinalugi ng NBA para sa 2019-2020 season dahil sa epekto ng coronavirus pandemic.   Sa naturang halaga kabilang umano sa dahilan nang pagsadsad sa kita ng NBA ay mula sa gate receipts na umaabot ng $800 million bunsod nang kawalan ng mga fans sa […]

  • Malakanyang, mahigpit na naka-monitor sa bagyong Maring

    MAHIGPIT na naka-monitor ang Malakanyang sa nagpapatuloy na operasyon sa Tropical Storm Maring habang patuloy itong kumikilos palabas ng Northern Luzon.   Ang rescue personnel at teams mula sa local government units ay nasa lugar upang ang lahat ng requests para sa rescue at assistance ay kaagad na maaksyunan ng lahat ng may kinalaman na […]