• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil sa pag-come-out na isa ring kakampink: ANNE, naikumpara ng netizens kay TONI na kilalang BBM supporter

NAGLABAS na ng statement si Anne Curtis kung ano ang political color o kung sino ang Presidenteng sinusuportahan niya.

 

 

Ang daming nag-comment at halos umabot ng 15,000 ang retweet sa simpleng pagre-retweet ni Anne ng kakampink crowd sa Iloilo campaign sortie ni Vice President Leni Robredo.

 

 

      Ni-retweet lang ni Anne ang picture na may caption na “wow.” Pero dahil sa pag-come-out na ito ni Anne na siya ay isang kakampink din tulad ng ibang mga celebrities, naikumpara na ng netizens si Anne at ang known BBM supporter naman na si Toni Gonzaga.

 

 

      Ilan sa nabasa naming comments, “Toni Gonzaga tama ka may nanalo na! VP LENI ROBREDO is our new president! Mapapahiya ka Toni Gonzaga at ang asawa mong pipitsuging direktor.”

 

 

      “May Darna na, may Dyosa pa!”

 

 

      “Kahit kumanta si Anne ng “Linamnam Ulam” sa isang Leni rally palagay ko ikasasaya na ng napakarami.”

 

 

Pero sa lahat, ang pinaka-classic na comment na nabasa namin, “Kaya si Anne ang great love ni Sam Milby hindi si Toni.”

 

 

***

 

 

NAALIW ang netizens sa ginawa ni Ellen Adarna, lalo na at mas astig pa raw ito at nauna pang nabuksan ang bote na may takip na tansan ng kanyang ngipin.

 

 

Yes, parang ‘yung mga manginginom lang sa kanto na ngipin lang nila, sapat na para mabuksan ang mga bote ng alak.

 

 

Ang kaibahan lang daw ni Ellen ay ang graceful pa rin ng pagkakabukas nito. Kaya mga comments na, “Lodi,” “How to be you?” at “walang kaarte-arte.”

 

 

At nadaig pa ni Ellen si Derek Ramsay dahil ‘yung huli, parang mas may effort ang pagkakabukas.

 

 

Kasalukuyang nasa Africa sina Ellen at Derek para sa kanyang honeymoon na natuloy rin. Though, kasama pa rin nila ang anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz na si Elias at ang yaya/friend ni Ellen.

 

 

***

 

 

HINDI talaga maiiwasan na ang daming nakakaramdam ng inggit kay Heart Evangelista.

 

 

Hindi lang sa kung ano ang mga nae-enjoy niya sa buhay niya ngayon, mapa-luxury and all, pero heto nga naman at pati ang hinahangaan internationally na lead singer ng bandang Incubus na si Brandon Boyd ay obviously, ka-close na rin ni Heart at naka-collaboration niya sa kanyang arts naman.

 

 

Ang Kapuso actress na si Chynna Ortaleza ay napa- “whaaaaa!!!! Whaaaaa!!!!!!” na lang ng comment kay Heart. Alam namin na isa si Chynna sa matagal ng fan ng Incubus.

 

 

Solid naman talaga ang art collaboration na ito ni Heart with Brandon kunsaan, isinabay na niya nang magpunta siya ng Los Angeles.

 

 

Sey ni Heart, “It was such an amazing moment meeting Brandon Boyd, the man behind Moonlight Arts Collective.  And I’m sure you know him, too! 

 

 

      “I’m happy to share this passion project that we collaborated on late last year.”

 

 

      Wala namang duda na ina-admire rin talaga ng international singer si Heart at sey nga niya, nag-enjoy raw siya sa misis ni Gov. Chiz Escudero na “Love” na ang tawag kay Heart.

 

 

Sabi ni Brandon sa post ni Heart, “You’re the best Love. So fun making art with you.”

(ROSE GARCIA)

Other News
  • NORA, humihingi ng tawad dahil maraming pagkukulang sa pumanaw na kaibigang producer/director

    NAGLULUKSA ang Philippine Television industry dahil sa pagpanaw ng TV icon na si Kitchie Benedicto.     Pumanaw ang producer-director na si Benedicto noong nakaraang August 4 sa edad na 74. Sa kanyang tahanan sa Pasay City pumanaw si Benedicto ayon sa kanyang son-in-law na si Negros Occidental Vice Governor Jeffrey P. Ferrer.     […]

  • Serena Williams nagpahiwatig ng pagbabalik sa tennis

    NAGPAHIWATIG ng kanyang paglalaro muli si US tennis star Serena Williams. Sinabi nito na hindi pa ito tuluyang nagreretiro. Dagdag pa ng 41-anyos na si Williams na may malaking tsansa na ito ay muling makapaglaro sa tennis. Hindi naman nito binanggit kung kailan ito muling maglalaro sa mga torneo. Magugunitang noong Agosto ay inihayag nito […]

  • PATRICK WILSON “FURTHERS THE FURTHER” IN HIS DIRECTORIAL DEBUT FOR INSIDIOUS: THE RED DOOR

    “I love horror. It’s fun for me.”        Says Patrick Wilson, who returns as Josh Lambert in his directorial debut Insidious: The Red Door, which brings the Lambert family’s terrifying saga to an epic conclusion. The final chapter of the blockbuster horror franchise opens exclusively in cinemas July 5.       Watch the […]