Dahil sa pag-viral sa sinagot sa ‘Family Feud’: MAVY, hindi pikon at sinakyan na lang ang pagkakamali
- Published on December 2, 2022
- by @peoplesbalita
Si Jelai daw kasi ay parating nakaka-collab ni Buboy sa pagba-vlog. Kaya special friends lang daw talaga sila at wala nang iba pa.
“Si Jelai kasi, sobrang special talaga ni Jelai, sobrang siya na ‘yung ka-lokohan ko, pero walang make love po, hindi kaya. But a special friend talaga sa akin at ready ako at andito lang ako para sa kanya,” ngiti pa ni Buboy.
Kapwa single naman sina Buboy at Jelai. Matagal nang hiwalay si Buboy sa partner niya at ina ng dalawang anak na si Angillyn Gorens. Si Jelai naman ay hiwalay na sa mister niyang si Jon Gutierrez a.k.a. King Badger.
Kaya wala naman sigurong masama kung aminin nila na nagde-date sila dahil cute naman tingnan sina Buboy at Jelai na magkasama.
***
MABUTI na lang at hindi pikon si Mavy Legaspi dahil sa pag-viral ng sagot niya na “hotdog” sa isang tanong sa kanya sa ‘Family Feud.’
Si Mavy pa mismo nagkuwento via Twitter na habang naglalakad siya sa mall, may isang fan ang biniro siya dahil sa nag-viral na sagot niya sa Family Feud.
Tweet ni Mavy: “Was walking around the mall and then someone said… “MAVY, 1+1?”
Imbes kasi na sumagot ng Magellan o 11, sumagot si Mavy ng “hotdog.” Kaya nag-viral ito dahil parang clueless si Mavy sa kanyang sinagot.
Good sport naman si Mavy at nag-tweet pa ito after na mag-viral ang sagot niya: “feeling ko lang proud na proud mga magulang ko. maliit na bagay! ako lang toh…”
Ikinatuwa naman ng parents ni Mavy na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel ang pagiging sport ni Mavy. Pinalaki naman daw nila ito na hindi pikon at pagtawanan na lang ang anumang pagkakamaling nagawa.
-
KRIS, natuloy na rin ang paglabas sa GMA Network bilang co-host ni WILLIE
GUMAWA ng pakikipag-usap si TV-host producer na si Willie Revillame, sa namamahala ng Clark International Airport sa Pampanga at sa Inter-Agency Task Force, para doon mag-show nang live, ang kanyang Wowowin: Tutok To Win daily, 5:30 – 6:30 PM, habang naka-ECQ ang Metro Manila/NCR. Kahapon, Sunday, August 8, doon din ginanap nang live […]
-
Lalaking nangholdap at nanakit sa estudyante sa Valenzuela, timbog
BALIK-SELDA ang isang lalaki matapos holdapin at saktan pa ang 18-anyos na babaeng estudyante nang pumalag ang biktima sa Valenzuela City. Kinilala ni P/Col. Allan Umipig, Officer-in-Charge (OIC) ng Valenzuela City Police ang suspek na si alyas Ramos, 29, ng Road 5, Hagdang Bato, Brgy., Marulas. Sa imbestigasyon ni […]
-
P843.9 bilyon lugi ng SSS, pinaiimbestigahan
PINAIIMBESTIGAHAN ni Senador Francis Tolentino sa Senado ang umano’y malaking pagkalugi ng Social Security System (SSS). Sa inihaing Senate Resolution 1006, tinukoy ni Tolentino ang 2021 unaudited financial statement ng SSS kung saan nakasaad na nalugi sila noong 2021 ng P843.9 bilyon. Nakasaad naman sa resolusyon ang mga legal […]