• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil sa pahayag ni Manny laban sa LGBTQ+ community… Fil-Am actor na si DAVE, inaming pinatungan ang team logo tattoo

INAMIN ng Filipino-American wrestler-turned-Marvel actor na si Dave Bautista na pinatungan niya ng ibang design ang dati niyang tattoo na team logo ni Manny Pacquiao.

 

 

Sa interview ng Guardians of the Galaxy Vol. 3 star with American magazine GQ na naka-post sa TikTok, hindi binanggit ni Bautista ang pangalan ni Pacquiao tungkol sa kanyang tattoo sa braso.

 

 

Ayon kay Bautista, itinuturing niyang kaibigan at tinitingala noon si Pacquiao, pero nagbago umano ang pagtingin niya dito dahil sa pahayag nito laban sa LGBTQ+ community.

 

 

“I was part of a team of a person I considered a friend and someone I really looked up to. And then, he later came out publicly with some anti-gay statements and turned out to be an extreme homophobe.

 

 

“So, I had a huge issue with it. It’s a personal issue with me, my mom’s a lesbian. And I just could no longer call him a friend,” diin pa ni Bautista na kasalukuyang ginagawa ang pelikulang Dune: Part Two.

 

 

Taong 2016 nang magbigay ng kontrobersiyal na pahayag si Pacquiao tungkol sa LGBTQ+ community. Nasabi rin niya na tutol siya sa same-sex marriage.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • LeBron, Bronny gumawa ng NBA history

    GUMAWA ng kasaysayan si LeBron James at anak ni­yang si Bronny James, Jr. bilang unang father and son na sabay na naglaro sa isang NBA game.     Nangyari ito sa 114-118 preseason loss ng Los An­geles Lakers sa Phoenix Suns kahapon sa Arcisure Arena.     Ginawa nina James at Bronny ang historic moment […]

  • PNP, mino-monitor ang mga taong inuugnay sa Hamas ukol sa ‘terror plot’ -DILG

    MAY ilang katao na ang mino-monitor ngayon ng Philippine National Police (PNP) na di umano’y may kaugnayan sa napaulat na plano ng Middle East-based Hamas militant group na mag-operate sa Pilipinas.     “Those people mentioned in the report are now under surveillance and monitoring,” ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) […]

  • Ads November 9, 2021