Dahil sa second chances at balikan nila ni Bea: DENNIS, inihalintulad ang love story nila ni JENNYLYN sa upcoming series
- Published on September 18, 2023
- by @peoplesbalita
MARAMING na-excite nang mag-post sa kanyang Instagram si Andrea Torres ng trailer ng upcoming Kapuso teleseryeng “Love Before Sunrise” na pinagtambalan nina Dennis Trillo at Bea Alonzo.
Kontrabida ang role ni Andrea sa serye na malapit nang mapanood this September 25 sa GMA-7.
Nag-react ang mga netizens sa confrontation scenes nina Bea at Andrea sa trailer, na binuhusan ng tubig ng nagmamalditang si Andrea si Bea na gumanti naman ng malakas na sampal sa kanya, kaya naman nag-react agad sila sa makatanggal-pangang sampal ni Bea kay Andrea.
“Ang “Love Before Sunrise” ay magtatampok din kina Sid Lucero at Rodjun Cruz.
Last week lamang, dumayo na ang buong cast sa Kapuso Mall Show sa Higalaay Fest sa Ayala Malls Centrio, Cagayan de Oro City.
Ang much-awaited drama ay mapapanood na sa GMA-7 at stream episodes on VIU on September 25. Papalitan nila ang “Royal Blood” ni Dingdong Dantes, na finale week na ngayon.
***
INIHALINTULAD ni Dennis Trillo ang love story nila ng wife na si Jennylyn Mercado sa story ng upcoming primetime series na “Love Before Sunrise.”
Nang mag-guest siya sa “Fast Talk with Boy Abunda,” sa GMA-7 last Friday, September 15, sinabi niya iyon yung nagkaroon sila ng second chances at nagkabalikan ni Bea Alonzo sa story.
“First time na naging kami ni Jen nang magtambal kami sa “Gumapang Ka sa Lusak” (2010) sa GMA-7,” kuwento ni Dennis.
“Pero tumagal lamang iyon ng isang taon, nagkahiwalay din po kami. Then after ilang years, nag-reach out kami sa isa’t isa, tamang-tama naman pareho kaming walang partners, single kami pareho. Siguro na-miss namin yung isa’t isa, ito yung second chances na sinasabi ko.”
That time daw alam na ni Dennis na doon na sila papunta ni Jen, kailangan lamang ang perfect timing para mangyari ang lahat. Siniguro rin ni Dennis na magiging tapat siya kay Jen, at hindi niya hahayaang masira ang tiwala sa kanya ng mga tao kaya siya na raw mismo ang lumalayo sa tukso, dahil may respeto siya sa kanyang wife.
Gusto niyang kahit may mga anak na sila ay maging happy pa rin si Jen. Inamin din ni Dennis na siya ang seloso noon pero nag-mature na raw siya at mas pinahahalagahan niya ang tiwala.
Dennis shared kung paano niya pinapakilig si Jennylyn, minamasahe raw niya ang wife niya sa likod: “mahilig siyang magpamasahe sa likod, hindi siya makatulog, pero kapag hinimas ko na ang likod niya… pero hindi ko mapapantayan ang grabeng pag-aalaga sa akin ni Jen, the best siya.”
***
AYON kay Cristy Fermin sa kanyang programa, tungkol sa napipintong 12-day suspension ng airing ng “It’s Showtime” sa GTV ng MTRCB, nangako naman si Vice Ganda na huwag daw mag-alaala ang production staff ng show.
Na kapag natuloy ang suspension, dahil tutulungan niya ang mawawalan ng trabaho.
Muling pahayag ni Vice Ganda: “Huwag kayong mag-alaala, tutulungan ko kayo!”
Pero hindi na niya tutulungan ang mga co-hosts niya sa show, dahil tiyak daw namang may mga naipon na sila.
(NORA V. CALDERON)
-
DEREK, nag-react at napikon nang tanungin kung ‘di ba nagseselos si AUSTIN kay ELIAS
NAKATUTUWA ang IG post ni Derek Ramsay na buhat-buhat niya si Ellen Adarna na may caption na, “My big baby tuko!!❤❤❤” Na sinagot naman ni Ellen ng, “Ur the biggest tuko lol.” Kung anu-ano nga ang naging comment ng netizens at followers sa post na ito ni Derek, kaya nagtalu-talo na […]
-
Thailand ibabalik na ang ‘quarantine-free’ scheme
NAKATAKDANG ituloy ng Thailand ang quarantine-free travel scheme sa Pebrero 1. Ang nasabing scheme ay temporaryong inihinto dahil sa bahagyang pagtaas ng kaso ng Omicron coronavirus variant. Sinabi Thailand COVID-19 task force spokesperson Taweesin Visanuyothin na ang mga fully vaccinated travelers ay maaari ng makapasok sa kanilang bansa sa ilalim ng […]
-
Mga hotels sa bansa balik sigla na
BUMALIK na ang sigla ng mga hotels sa bansa sa unang buwan ng Enero. Ayon kay Hotel Sales and Marketing Association president Loleth So na nahigitan ng 153-member hotels nila ang pre-COVID-19 pandemic na umabot sa 80% ang occupancy. Kumpara noong bago ang COVID-19 pandemic na mayroon lamang 60-70 percent ang […]