Dahil special child ang bunsong anak na si Santino… MARTIN, may soft spot sa ‘Gift of Life’ na beneficiary ng concert niya
- Published on July 9, 2022
- by @peoplesbalita
KUNG marami lang ako pera and I can afford, ipagpo-produce ko ng concert for a cause si Martin Nievera.
And why not? Sure fire crowd drawer ang one and only Concert King. His comeback concert sa The Theatre @ Solaire ay kumita ng P3.7 million para sa ‘Gift of Life’ project ng Rotary Club of Makati West kung saan ang immediate outgoing president ay brother-in-law ni Martin.
Sa turnover ceremony ng proceeds ng ‘Martin Nievera Live Again’ na ginawa sa Solaire last Wednesday, taus-pusong nagpasalamat ang president ng Rotary Club sa generosity ni Martin.
Hindi rin kasi naningil ng kanyang talent fee si Martin. On top, he cut short his trip sa US to come home and do the concert.
May soft spot kasi kay Martin ang ‘Gift of Life’ kasi mga bata na may congenital heart disease beneficiary ng concert.
Special child kasi ang bunso niyang anak na si Santino kaya basta concert for a cause ay game siyang gawin.
When asked kung bakit sa tingin niya ay sold out ang concert, “I think the people want to get out and watch a fun concert dahil nasabik sila dahil there was no live show for two years.”
Thankful din si Martin na siya ang pinili ng Solaire para maging featured artist sa unang live concert sa The Theatre after the pandemic.
Martin, who marked his 40th year sa showbiz last July 5, is preparing for another concert to be staged either November or December to celebrate the milestone.
***
MORE than a million views agad ang nakamit ng official trailer ng Darna na bida si Jane De Leon.
Impressive naman kasi ang trailer ng Darna under the direction of Chito S. Rono.
Hitik sa action at mataas sng production value. Siyempre kaabang-abang ang pagganap ni Ms. Iza Calzado as the first Darna.
Isa rin sa nakapukaw ng attention sa trailer ay ang topless scene ni Joshua Garcia.
Kaya abangan ang Darna sa paglipad nito sa ere sa August.
(RICKY CALDERON)
-
TRUCK HELPER BINARETA SA LEEG NG KA-TRABAHO
MALUBHANG nasugatan ang 28-anyos na truck helper matapos tarakan ng bareta sa leeg ng kapwa truck helper nang mapuno na umano ang suspek sa pambu-bully sa kanya ng biktima sa Malabon City. Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng saksak sa leeg ang biktimang si Christian Borja, alyas “Ogag”, tubong Buhi, Camarines Sur. […]
-
Hidilyn Diaz nagpasalamat kay Nesthy Petecio sa dangal na inuwi nito para sa Phl
Nagpaabot ng kanyang pagbati si Hidilyn Diaz kay Nesthy Petecio matapos na makasungkit ng silver medal ang naturang Pilipinang boksingero sa women’s featherweight division sa Tokyo Olympics. Ang panalo ni Petecio ang ikalawang medalya ng Pilipinas sa Summer Games kasunod nang gold medal finish ni Diaz sa women’s weightlifting. Pinuri ni […]
-
Malaking blessing na kasama sa public service program: SHERILYN, parang nakakulong sa patuloy na pagbabayad ng mga utang
INAMIN ni Sherilyn Reyes-Tan na malaking blessing para sa kanya na napasama siya sa newest public service program na “Si Manoy ang Ninong Ko”, na naka-iinspire ang mga kuwento ng pag-asa, katatagan, at modern day na ‘bayanihan’, na magsisimula na bukas, ika-3 ng Marso sa GMA-7. Magsisilbing hosts sina Gelli de Belen, Patricia Tumulak, […]