Dahil walang pagkukulang sa mga kasambahay… RUFFA, pinagdidiinan pa rin na wala siyang inagrabyado
- Published on July 19, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI alam ni Ruffa Gutierrez na magkakaroon siya bigla ng issue sa kasagsagan ng promo ng “Maid in Malacanang.”
Nabanggit pa nga sa kanya ni Direk Darryl Yap na may issue kay Ella Cruz at biniro pa siya ng director na baka bigla rin siya magkaroon ng issue.
True enough, idinadawit ang pangalan ni Ruffa sa hindi umano nito pagbabayad ng sweldo ng dalawang katulong, na humingi ng saklolo sa dating Comelec Commissioner na si Rowena Guanzon.
Pero sinabi ni Ruffa na wala raw siyang pagkukulang sa dalawang katulong na gusto nang umalis sa kanyang poder habang siya ay wala at nasa shooting.
Palitan tuloy sila ng tweets ng dating Comelec commissioner who took the cudgels for the housemaids. Pero Ruffa maintains hindi niya inagrabyado ang mga katulong. Wala siyang utang sa mga ito.
***
PUMIRMA na si Wiillie Revillame ng kontrata sa Advanced Media Broadcasting Systems (AMBS).
Pero ayon sa AMBS President na si Maribeth Tolentino, wala pang malinaw na title o posisyon si Willie sa bagong TV network.
Pero umaasa si Willie na ang nabuo niyang partnership with Mr. Villar ay magiging fruitful in the long run.
Thankful siya sa tiwalang ibinigay sa kanya para maging parte sa pagsisimula ng bagong network na magiging bagong tahanan ng “Wowowin.”
Sinabi rin ni Willie na bukas ang AMBS sa pagtanggap ng mga bagong empleyado lalo, kabilang ang mga dating employees ng ABS-CBN.
Kailangan lang daw na mag-apply ang mga ito, lalo ang production at technical staff na kakailanganin nila sa pagbubukas ng network.
Basta ang objective niya ngayon ay makabalik sa ere ang “Wowowin” para maipagtuloy niya ang pagbibigay ng saya sa mga manonood. Gusto rin niya na mapasaya ang Pinoy overseas kaya balak niya dalhin ang “Wowowin” sa Middle East, Hong Kong at iba pang lugar na maraming OFWS.
Gusto sana ni Willie na before the end of the year ay mailunsad na nila ang AMBS 2 para maituloy na nila ang Wowowin at isa pang game show.
Sinabi niya na inalok nga siya ni dating Pangulong Duterte at Sen. Bong Go na tumakbo sa Senado pero mas pinili ang kanyang showbiz career at Wowowin dahil dito siya masaya.
“Wala akong alam sa paggawa ng batas. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko roon. Di dahil popular kang artista ay tatakbo ka na. Mas gusto ko na makapagbigay kasiyahan sa paraan na alam ko,” wika pa niya.
***
SABI ni Darryl Yap, ang kontrobersiyal na director ng upcoming movie na “Maid in Malacanang”, gumagawa raw siya ng pelikula para sa mga hindi naniniwala sa kanya.
Pero naniniwala raw siya na ‘yung mga taong nagsasabi na hindi panoorin ang pelikula niya ay pinapanood pa rin naman ang mga movies niya.
Masayang-masaya raw siya sa atensiyon at panahon na ibinibigay sa kanya ng mga tao (he is probably also referring to his bashers).
“Ang tagumpay ng pelikula ay hindi lamang sa papuri kundi sa masustansiyang at kapaki-kapinabang na puna na maaring galing sa mga kakampi o mga kalaban ngunit ang mahalaga, kakampi man o kalaban ang importante nanood. Doon pa lang masaya na ako doon,” pahayag ni Direk Darryl.
Nang tanungin kung magkakaroon ng sequel ang “Maid in Malacanang”, sinabi niya na trilogy raw ito.
Depende rin kung ano ang sasabihin ni Sen. Imee Marcos dahil ang mga conversations daw nila ng senadora ang pinagsimulan ng kwento ng movie.
Naniniwala rin siya na posibleng magkatotoo ang sinasabi niyang trilogy dahil grabe ang suporta ng Viva sa project, pati na rin ang suporta ng mga nagsasabing panonoorin nila ang movie.
Sabi niya ang tagumpay daw ng isang pelikula ay dapat sinusukat sa dami ng mga taong nanonood kasi ang paggawa ng pelikula ay isang negosyo.
Siyempre naman gugustuhin ng isang film producer na kumita ang pelikulang ginastusan niya.
Showing na “Maid in Malacanang” in cinemas nationwide on August 3 and worldwide via streaming.
(RICKY CALDERON)
-
Hindi lang gawa ng European designers: HEART, binitbit ang local bag sa pagrampa sa Paris
HINDI lang mga European designer bags ang bitbit ni Global fashion icon Heart Evangelista sa kanyang pagrampa sa Paris, kundi pati na ang gawa ng local bag designers ng Pilipinas. Sa isang rampa ni Heart, bitbit nito ang isang bag na gawa ng isang student named Reese Collins Latonio, a BS Clothing […]
-
ELLEN DEGENERES, inaming sa season 16 ay naisip magpaalam pero na-convince na mag-stay hanggang season 19
KINUMPIRMA ni Ellen DeGeneres na magpapaalam na ang kanyang talkshow pagkatapos ng ika-19th season nito. Humigit kumulang na 3,000 episodes ang nagawa ni Ellen. “Ellen is ending when her contract is up at the end of the 2022 19th Season,” ayon sa isang source close to Ellen. Kung matatandaan […]
-
WBC inatasan ang paghaharap ni Ryan Garcia kay Isaac Cruz
INATASAN ng World Boxing Council ang lightweight title eliminator sa pagitan nina social media sensation Ryan Garcia at Isaac Cruz. Ang 23-anyos na si Garcia na sumikat sa Instagram at Youtube ay mayroong professional record na 22 panalo at walang talo na mayroong 18 knockouts. Huling laban nito ng talunin niya […]