• April 29, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dakilang Kapistahan ng Immaculada Concepcion : PBBM sa mga Katoliko at mga Filipino, maglingkod nang may habag at pagpapakumbaba

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Katoliko at mga Filipino na tularan si Mama Mary na naglingkod sa iba na may habag at pagpapakumbaba habang nagsusumikap ang lahat na itayo ang “the Bagong Pilipinas.”

 

 

 

Sa naging mensahe ng Pangulo sa Dakilang Kapistahan ng Immaculada Concepcion o Immaculate Conception, araw ng Sabado, Disyembre 8, sinabi ni Pangulong Marcos na ang araw na ito ay nagtatag lay ng isang matinding kahulugan sa mga Katoliko dahil pagkakataon na ito para pagnilayan ang tema ng pagpapala, kadalisayan at debosyon.

 

 

“This is a day of profound significance that honors the role of the Blessed Virgin Mary in the life of Jesus Christ and God’s plan for humanity’s redemption,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

“In a constantly changing world, religion and faith continue to foster a sense of community and belonging that plays a central role in helping us navigate the complexities of life. It offers stability, purpose, and hope pillars that contribute to the mental, emotional, and spiritual health of every Filipino,” aniya pa rin.

 

Hinikayat din ng Pangulo ang mga Filipino na pangunahan at yakapin ang paglalakbay tungo sa “holiness and remain connected through the common aspiration to live a life filled with integrity, devotion.”

 

Sa ulat, sa liturgical calendar ng Simbahang Katoliko, ang ika-8 ng Disyembre ay isang natatangi at mahalagang araw bilang kapistahan ng Immaculada Concepcion o Immaculate Conception– ang Patroness ng iniibig nating Pilipinas na tinawag na “Pueblo Amante de Maria” o bansang minahal ni Maria.

 

Ang nasabing kapistahan ay ipinagdiriwang ng mga Katoliko sa buong daigdig. Ang mga Pilipino ay may espesyal na debosyon sa Immaculada Concepcion, isa sa dalawang kilalang tawag na pagpaparangal kay Birheng Maria, na ang isa ay Our Lady of the Holy Rosary.

 

Sinasabing, isang ‘holy day of obligation’ sa mga Katoliko ang kapistahan ng Immaculada, at tradisyon na ang pagsisimba. Ang pananalangin sa Immaculada Concepcion ay nagsimula noong Pebrero 6, 1578 nang iniutos ni Pope Gregory XIII na ang Manila Cathedral sa Intramuros ay dapat itayo sa ilalim ng tawag na “Shrine of the Immaculate Conception”.

 

Samantala, bahagi naman ng kapistahan ay ang pagdaraos ng mga misa sa mga simbahan. May prusisyon din, tampok ang mga imahen ng Immaculada Concepcion, at nakikibahagi ang mga mag-aaral, miyembro ng iba’t ibang religious organization at deboto ng Birheng Maria. Sa Intramuros, bahagi ng selebrasyon ang Grand Marian procession nitong Linggo, na mahigit ‘sanlibong imahen ng Mahal na Birhen ang iprinusisyon. (Daris Jose)

Other News
  • Harap-harapang inisnab ng mga hurado ng ‘MMFF 2022’: ‘Family Matters’, deserving sa mga nominasyon at manalo ng major awards

    NAGUSTUHAN namin ang light family drama na ‘Family Matters’, na film entry ng CineKo Productions sa 48th Metro Manila Film Festival, na kung saan ilang beses kaming naantig at nagpatulo ng mga luha.   Tagumpay ang blockbuster tandem ng filmmaker Nuel Naval at screenwriter Mel Mendoza-del Rosario dahil sapol na sapol ang pinag-uusapang pelikula, na […]

  • Estados Unidos, muling pinagtibay ang ‘ironclad’ commitment sa PH-US defense, economic alliance

    NANANATILING “ironclad” ang commitment ng Estados Unidos sa ‘economic at defense alliance’ nito sa Pilipinas. Sa courtesy call sa Palasyo ng Malakanyang, tiniyak ni US Defense Secretary Pete Hegseth kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na “very committed” si US President Donald Trump na mas palalimin pa ang alyansa ng Washington, pagkakaibigan at partnership sa […]

  • Nakaramdam ng lungkot at takot: FAITH, dumaan sa matinding depression dahil sa COVID-19 pandemic

    DUMAAN pala sa matinding depression ang Kapuso actress na si Faith da Silva noong magkaroon ng COVID-19 pandemic.     Mag-isa lang daw kasi sa kanyang tinitirhan na apartment noon si Faith kaya nakaramdam daw siya ng matinding lungkot at takot.     “I was just 18 or 19-years old then. Ang hirap noong nag-iisa […]