Dalaga arestado sa motornapping sa Navotas
- Published on January 30, 2021
- by @peoplesbalita
Kalaboso ang isang 23-anyos na bebot matapos i-reklamo ng pagnanakaw ng motorsiklo sa Navotas city, kahapon ng madaling araw.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10883 (New Anti-Carnapping Law) ang suspek na kinilalang si Karen Cruz, bar employee at residente ng No. 39-A Santiago St., Brgy. Sipac-Almacen.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pinayagan ng complainant na si Melvin Ramos, 32, financing officer ng No. 293 Anthurium St., Brgy. NBBS Proper si Alberto Del Rosario na gamitin ang kanyang kulay itim na Yamaha Mio Sporty.
Dakong 11 ng gabi, iniwan nakaparada ni Del Rosario ang naturang motorsiklo malapit sa kanyang bahay sa Santiago St. Brgy. Sipac-Almacin.
Makalipas ang isang oras, nakita ng saksing si Rodelio Perez, 59 ang suspek na tinangay ang naturang motorsiklo sa pamamagitan ng pagtulak patungong San Rafael St. subalit, nang mapansin siya nito ay iniwan ni Cruz ang motorsiklo.
Ipinalaam ng saksi ang insidente sa kalapit na barangay hall saka sa Sub-Station 3 upang matukoy kung sino ang may-ari ng motorsilo.
Nang makumpirma na tinangay nga ang naturang motorsiklo ay agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. (Richard Mesa)
-
Pagdami ng miyembro ng Pag- Ibig, indikasyon na maraming mga Pinoy ang nais na magkaroon ng sariling tahanan -PBBM
PATULOY ang pagdami ngayon ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund Ngayon. Sinabi ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. na ito’y isang indikasyon na sadyang maraming mga Filipino ang may interes na magkaroon ng sariling bahay. Ayon sa Pangulo, may market ang pabahay at tama lang aniya na tinutugunan ng gobyerno ang […]
-
1,000 pulis, ipapakalat sa Manila North Cemetery
TINATAYANG mahigit 1,000 pulis ang ipapakalat ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa Manila North Cemetery (MNC) at South Cemetry sa Undas 2024. Ayon kay MPD Director P/Brig.General Arnold Thomas Ibay, ito ay upang masiguro na walang magiging problema sa buong lungsod lalo na ang mga magtutungo sa sementeryo. Ang mga nasabing […]
-
Renomination ni Nograles bilang chairperson, OK sa CSC
WELCOME sa Civil Service Commission (CSC) ang ginawang ‘renomination” ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. kay dating cabinet secretary Karlo Nograles bilang Chairperson-designate ng nasabing ahensiya. “We were already off to a good start with Chair Karlo’s earlier brief stint at the Commission. Now that he’s back, I, together with Commissioner Ryan Acosta, as […]