• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dalagita, 3 pa, tiklo sa P.3M halaga ng shabu

NASAMSAM ng mga awtoridad ang mahigit sa P.3 milyon halaga ng shabu sa apat katao kabilang ang isang 17-anyos na dalagita matapos masakote sa drug buy-bust operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

 

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Vincent Young, 25, istambay, Pamela Atienza, 21, saleslady, kapwa ng Brgy. 14, Paul Ryan Coronel, 27, istambay, ng Brgy. 18 at isang 17-anyos na dalagita.

 

Ayon sa ulat, isinagawa ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Northern Police District (NPD) ang buy-bust operasyon kontra sa mga suspek dakong alas-3:20 ng madaling araw sa Brgy. 14, Caloocan City matapos ang masusing pagmamatyag ng pulisya hinggil sa kanila umanong iligal na gawain.

 

Nang magpalit ng kamay ang marked money at epektus ay sumenyas ang poseur-buyer sa kanyang mga kasamang pulis na agad namang lumapit at dinamba ang mga suspek.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t-kumulang sa 50 gramo ng shabu na tinatayang nasa P340,000 ang halaga, dalawang cellular phone, P1,600 na cash, at buy-bust money.

 

Kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga naarestong suspek sa Caloocan City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads November 14, 2020

  • The Beatles “Now and Then” is the Heart of the Soundtrack of “Argylle”

    AT the heart of “Argylle’s” soundtrack and score is the just released new, and final, song from The Beatles, “Now and Then.”   In Argylle, Bryce Dallas Howard is Elly Conway, the reclusive author of a series of best-selling espionage novels, whose idea of bliss is a night at home with her computer and her […]

  • Mga pulis na nagsisilbing bodyguards sa POGO workers at officials, imbestigahan

    KINONDENA ng isang mambabatas ang napa-ulat na unauthorized assignment at deployment ng mga pulis bilang bodyguards ng Chinese POGO (Philippine Offshore Gaming Corporation) officials at workers. Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, ang nasabing police scheme ay napa-ulat na ginagawa ng may ilang taon. Ang […]