• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dalawang panukala para sa pagkakaroon ng Bayanihan 3, tinalakay

Kumpiyansa si House Ways and Means Chairman Joey Salceda na sa ilalim ng House Bill 8059 o Bayanihan to Rebuild as One Act ay tataas ang GDP baseline ng bansa sa 2021 sa 1.90% at magreresulta ito sa 78,000 na trabaho.

 

Pangunahin target na tugunan sa bersyon ng Bayanihan 3 na inihain nila Salceda, Majority Leader Martin Romualdez at AAMBIS-OWA Partylist Rep. Sharon Garin ang bakuna laban sa COVID-19 at pagbibigay ng relief para sa mga kababayang apektado rin ng sunud-sunod na bagyo.

 

Sa P302 Billion proposed budget sa Bayanihan 3 ay P75 Billion dito ang ilalaan para sa procurement ng COVID-19 vaccine dahil sa kalagitnaan ng 2021 inaasahan ang mas malaking pangangailangan para sa bakuna, gamutan at recovery ng mga magkakasakit.

 

Samantala, P90 Billion naman ang natukoy ng National Economic and Development Authority (NEDA) na pangangailangan para sa mga sinalanta ng kalamidad.

 

Ang House Bill 8031 o Bayanihan to Arise as One Act ni Marikina Rep. Stella Quimbo naman ay isinusulong ang dagdag na P400 Billion para sa susunod na taon.

 

Tinukoy ni Quimbo na hindi sapat ang P4.5 Trillion na 2021 national budget para tugunan ang lahat ng pangangailangan sa pandemya.

 

Kailangan aniyang gumastos ng malaki ang gobyerno sa susunod na taon upang matiyak ang muling pagikot at tuluy-tuloy na pagbangon ng ekonomiya.

 

Aabot sa P400 Billion ang dagdag na budget spending sa ilalim ng Bayanihan 3 ni Quimbo kung saan P330 Billion dito ay para sa COVID-19 response habang P70 Billion naman ay para sa disaster response.

 

Sa pondong ito, P25 Billion ang para sa COVID-19 vaccines, P70 Billion para sa ayuda, P30 Billion sa mga displaced workers, P5 billion pesos para sa internet allowances ng mga guro at mga magaaral,  P100 billion para sa worker subsidies at 100 billion para sa ibang industriya na apektado ng pandemya. (ARA ROMERO)

Other News
  • Diesel, posibleng tumaas ng higit P1 sa susunod na linggo

    NAGTAPOS ang apat na linggong sunud-sunod na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa asahan naman ang oil price hike sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy.     Ayon kay DOE-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, mayroon silang nakikitang bahagyang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.     […]

  • Ads November 13, 2021

  • MARIAN, hoping na mabibigyan pa sila ni DINGDONG ng isang pang anak kahit happy na kina ZIA at ZIGGY

    KAPUSO royalties, Dingdong Dantes and Marian Rivera are ready to have a third child.     Sa isang interview, sinagot ni Marian ang tanong na ito ng, “kung ano ang ibigay sa amin ng Panginoon, tatanggapin namin.”           “Para sa amin ni Dong, ang dalawa ay okay sa amin, pero kung pagpapalain at […]