• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dalawang Tulfo, dating Pangulong Digong Duterte sa senatorial winning circle- Pulse Asia poll

NASA ‘winning circle’ ang dalawang Tulfo at si dating Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Roa Duterte sa June 17-24, 2024 Pulse Asia Survey para sa 2025 Elections Senatorial Preferences.
Tinatayang 58% ng survey respondents ang pumili kay broadcaster na naging ACT CIS Rep. Erwin Tulfo, dahilan para makopo niya ang unang puwesto, sinundan ito ni dating Senate President Vicente Sotto III na nasa pangalawang puwesto na may 50.4%.
Sumunod sina Senator Pia Cayetano na may 42.7% at ang kapatid naman ni Cong. Erwin Tulfo na si Ben Tulfo ay humamig ng 40.9%.
Nakakuha naman ng 38.7% si dating Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Roa Duterte habang si Senator Christopher “Bong” Go ay 36.6%.
Si Senator Imee Marcos ay nakakuha ng 33.8%, dating senador Manny Pacquiao 33.5%, dating senador Panfilo Lacson 32.2%, dating Manila Manila Mayor Isko Moreno 31.7 % at Senador Ronald dela Rosa na may 31.3%.
Si Senator Ramon “Bong” Revilla na may 29.9% ang magsasara ng winning circle.
Naka-abang naman sa labas ng Magic 12 sina dating congresswoman Vilma Santos Recto, Senator Lito Lapid, dating Senator Kiko Pangilinan, Makati Mayor Abby Binay, broadcaster Ted Failon, at dating Senador Gregorio Honasan.
Samantala, itinanggi naman ni Digong Duterte ang pahayag ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte na plano niyang tumakbo sa pagka-senador kasama ang kanyang dalawang anak na si Rep. Paolo Duterte at Davao City Mayor Sebastian Duterte sa halala sa susunod na taon.
Ang mga batang Duterte ay bahagi ng survey. si Sebastian Duterte ay mayroong 14.9% na may rank na 20-28 habang si Paulo Duterte naman ay mayroong 13.8% na may rank na 21-30.
Ang pangatlong Tulfo na si Raffy, isa ring broadcaster, ay isa ng Senador na magsisilbi hanggang 2028. (Daris Jose)
Other News
  • PH aquatics team nagtakda ng Open Tryout para sa Cambodia SEAG

    Inatasan ang Stabilization Committee  ng World Aquatics (dating FINA) Bureau na mangasiwa sa swimming sa Pilipinas sa pagsasagawa ng open tryout para matukoy ang komposisyon ng koponan na pupunta sa 2023 Cambodia SEA Games.   Nakatakda ang tryout sa Pebrero 18 at 19 sa New Clark City Aquatics Center sa Capas, Tarlac.   Isang direktiba […]

  • Malakanyang, hinikayat ang incoming admin, samantalahin ang mga accomplishments ng Duterte administration

    HINIKAYAT ng Malakanyang ang incoming administration na samantalahin ang mga accomplishments ng Duterte administration na nakatulong upang maging progresibo at umunlad ang bansa.     Sinabi ni Cabinet Secretary Melvin Matibag, sa pangalawang araw ng Duterte Legacy Summit, na umaasa siya na ang “crucial” na polisiya at mga programa na sinimulan ni Pangulong Rodrigo Roa […]

  • JULIE ANNE, iwas na iwas na pag-usapan ang break-up nina RAYVER at JANINE

    THANKFUL si Julie Anne San Jose sa GMA Network sa pinakahihintay na ng mga fans niya, ang second leg ng Limitless, A Musical Journey on Saturday, November 20.     “Heal” ang second leg ng concert na feature ang Visayas region at ipakikita ang mga magagandang lugar doon. Special guests ni Julie ang Cebuanang The […]