• March 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DAPAT BA IPATUPAD na ang “THREE STRIKE POLICY” sa mga TOLLGATES sa mga “INSUFICIENT BALANCE”

Nag-anunsyo na ang Toll Regulatory Board na simula May 15, 2021, ay ipapataw na nila ang kaparusahan sa mga motoristang dadaan ng tollway na may “insufficient balance” sa kanilang RFID card. 1st strike ay ire-record ng LTO deputized enforcer ang violation sa data-based at mag-i-issue ng TRB prescribed document proof of violation. 2nd strike ay final warning at ito ay ire-record din at bibigyan ng proof of 2nd violation at 3rd strike ay multa ng isang libong piso, confiscation ng driver’s license at traffic violation ticket sa motorista.

 

 

Pero ang problema ay marami pa rin ang mga reklamo tungkol sa nawawalang load kahit hindi nagagamit, malimit na offline ang mga pinaglo-loadan at iba pang reklamo ng motorista na hanggang ngayon ay hindi pa natutugunan.

 

 

Marami na ang reklamo na natatangap ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na “nananakawan” sila ng load maski hindi nagagamit at wala naman nag-aasikaso sa kanilang sumbong. Pero higit na nakakarami ay hinahayaan na lang dahil abala sa kanila ang magreklamo pa sa mga nawawalang load. Napapanahon bang ipatupad na ang “three-strike-policy” sa panahon ng pandemya?  Maari naman ipagpaliban muna yan hanggat hindi pa natutugunan ang mga reklamo ng mga motorista nakakaranas pa rin ng aberya sa mga toll gates.

 

 

Hindi kaya mabigat ang isang libong piso at confiscation ng driver’s license na penalty sa kabila ng mga issue sa sistema sa toll? Paano kung sasabihin ng motorista na kaka-load lang niya papakitaan ng resibo pero hindi pa rin pumasok sa card and niload, tatanggapin bang valid excuse yan ng mga deputized enforcers? Di ba’t kaya itinulak ang RFID system ay para sa kapakanan at kaginhawaan ng mga motorista? At kung ang bawat reklamo ay sa toll ilalahad ng mga motorista, parang mas cause pa ng traffic.  Sana ay ipagpaliban muna ng TRB ang balak na ito hanggang maiayos ang lahat. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • ‘Sanitation’ sa ‘Athletes Village’

    MAKARAANG makumpleto ang 14-day quarantine sanhi ng COVID-19, para sa mga pasahero ng MV Diamond Princes, minabuti muna ng pamunuan ng New Clark City Athletes’ Village na isailalim ito sa paglilinis simula pa nitong Miyerkules, Marso 11.   Ang Athletes’ Village ay ang nagsilbing ‘quarantine area’ ng mga tinaguriang Person Under Investigation (PUI) matapos ang […]

  • Pinoy boxer Melvin Jerusalem matagumpay na nadepensahan ang WBC belt

    PINATIKIM ni Pinoy boxer Melvin Jerusalem ang unang talo sa Mexican challenger Luis Angel Castillo para mapanatili nito ang kaniyang WBC minimumweight title belt na ginanap sa lungsod ng Mandaluyong.   Nakuha ng 30-anyos na boksingero mula sa Bukidnon ang unanimous decision sa score na 118-109, 120-107 at 120-107.   Sa unang round ay inulan […]

  • PAGRERETIRO NG 3 COMMISSIONER, HINDI APEKTADO ANG HALALAN

    TINIYAK  ng Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes na ang kanilang paghahanda para sa halalan sa Mayo ay hindi mahahadlangan ng pagreretiro ng tatlong senior officials .     Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ang nasabing preparasyon  ay matagal nang ginagawa at natugunan na sa nakaraang buwan     “Remember that when running the […]