• April 28, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dapat may kanya-kanyang category ang beauty pageants: JEAN, nag-agree kay GLORIA na ‘di pabor sa bagong regulasyon

DAHIL nalalapit na naman ang beauty pageant season dito sa Pilipinas, natanong namin si Jean Saburit, na Binibining Pilipinas-Young 1975, kung ano ang opinyon niya sa ilang beauty pageants ay pinapayagan nang sumali ang mga may asawa at anak, transgender women at maging ang mga senior citizens.
“What,” bulalas ni Jean.
“I didn’t know that! Pati sixty, seventy?”
Binanggit namin kay Jean na si Miss Universe 1969 Gloria Diaz, sa isang panayam, ay sinabing hindi siya pabor sa mga bagong rules and regulations ng ilang pageants.
“I agree, I agree with Glo,” pakli ni Jean.
“Gloria is a good friend of mine and you know, when you’re friends you agree on most things.
“I was with her just before Christmas.
“I agree with her. Dapat may mga kanya-kanyang category, pag Miss, Miss lang!
“E di gumawa ka ng Mrs. Universe. For ano di ba, for may mga asawa.
“I’m against it. They can have their own. I’m not, you know, natutuwa nga ako sa mga ano, nanoood nga ako ng mga Miss Gay, nagiging judge ako ng Miss Gay Philippines. e.”
Pero hindi raw siya pabor na pagsamahin sa iisang pageant ang mga tunay na babae at mga transgender o transsexual.
“Kasi maano e, maiiba yung category.”
Tanong pa ni Jean, “Ibig sabihin, operada na dun? E kung hindi pa operada dun?
“But still, you know, you still have your Adam’s apple, you still have your muscles and your boobs will still be flat.”
Sa makabagong siyensiya ay nagagawan naman na ng paraan na magkaroon ng dibdib ang isang tao at mabago ng hugis ng katawan.
“So that’s not natural anymore,” bulalas ni Jean.
“Kami kasi noon natural lahat, e.  Wala kaming mga reto-retoke pati mga mukha namin, walang retoke.
“Dapat may kanya-kanya silang pageant. They should have their own.
“I don’t mind supporting them, I mean you know, but then, hindi naman yung paghaluin kasi parang nakaka, paano iyan, di ba?”
Kasama si Jean ‘Prinsesa ng City Jail’ at gumaganap siya bilang si Sonya.
Bida sa naturang GMA Afternoon Prime series ang Sparkle loveteam na sina Sofia Pablo bilang Princess at Allen Ansay bilang Xavier.
Mula ito sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng at napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. at abroad via GMA Pinoy TV.
(ROMMEL L. GONZALES)
Other News
  • Movie nina Janine at JC, mukhang sa Abril na mapapanood sa mga sinehan; ‘Summer Metro Manila Film Festival’, nakabitin na naman

    DAHIL postponed na naman ang opening ng mga sinehan ay hindi muna itinuloy ang naka–iskedyul sanang press preview ng Dito at Doon, ang project ng TBA Productions na bida sina Janine Gutierrez at JC Santos.     May playdate na dapat ang movie pero dahil tumataas na naman ang bilang ng mga Covid-19 cases sa […]

  • Ads January 7, 2025

  • Martinez naagaw ang IBF crown ni Ancajas

    NAAGAW kay Jerwin Ancajas ang kanyang IBF junior bantamweight championship title, na mula noong 2016 pa niyang hawak.     Ito ay matapos na talunin si Ancajas ni Fernando Martinez ng Argentina sa kanilang umaatikabong bakbakan sa Las Vegas  araw ng Linggo.     Binigyan ng mga hurado ang laban ng 117-111, 118-110, 118-110 na […]