• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Daquis pinasilip ang kurba

Hindi papatinag pagdating sa paseksihan si Philippine SuperLiga (PSL) star Rachel Anne Daquis ng Cignal High Definition Spikers na ipinasilip ang kanyang alindog sa social media nito lang isang araw.

 

Pinaskil ng 33-taong gulang at may taas na 5-9 ang ilang mga larawan niya sa Instagram kung saan makikita ang taglay pa ring kaseksihan suot ang isang orange two-piece swimsuit.

 

Sumisid na parang sirena ang dati ring national indoor women’s volleyball team  sa ilalim ng isang karagatan.

 

“Fear is only as deep as the mind allows,” bulalas pa ng dalagang beteranang balibolista.

 

Maaring masaksihan si Daquis sa pagbabalik ng liga sa pamamagitan ng Beach Volleyball Challenge Cup sa darating na Pebrero sa Subic, Zambales mula nang matengga nitong Marso 2020 dahil sa Covid-19. Planong maging kasunod na okasyon ng PSL ang Fan’s Day sa Marso 7. (REC)

Other News
  • UAAP sa apela ni Aldin Ayo: Status quo!

    Wala pang balak ang UAAP Board na talakayin ang apela ni dating University of Santo Tomas (UST) Aldin Ayo sa kanyang indefinite ban.   Ito ay dahil hinihintay pa ng liga ang resulta ng isinasagawang imbestigasyon ng CHED, DOJ at DILG na siyang magbibigay ng rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force (IATF).   “Out of prudence, […]

  • Most wanted person sa statutory rape, nabitag ng NPD sa Malabon

    NALAMBAT ng mga operatiba ng District Intelligence Division ng Northern Police District (DID-NPD) ang isang machine operator na listed bilang most wanted sa dalawang bilang ng statutory rape sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City.     Kinilala ni DID Chief P/Col. Alex Daniel ang naarestong akusado bilang si Jose Ryan Sarmiento, 42, machine operator […]

  • World’s fastest man na si Usain Bolt, kinapitan ng COVID-19

    Dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang world-record sprinter at eight-time Olympic gold medallist na si Usain Bolt.   Ayon sa health ministry ng Jamaica, posibleng nakuha raw ni Bolt ang COVID-19 ilang araw matapos idaos ang isang malaking party para sa kanyang ika-34 taong kaarawan kung saan wala raw suot na face mask ang […]