Dasal ni ONYOK na ‘wag sanang mapako ang mga pinangakong incentives kay HIDILYN
- Published on August 3, 2021
- by @peoplesbalita
KABILANG ang 1996 Atlanta Olympic silver medalist na si Onyok Velasco na natuwa sa pagkapanalo ni Hidilyn Diaz ng kauna-unahang Olympic gold medal para sa Pilipinas.
Dasal ni Onyok na huwag sanang mapako ang mga pinangako na incentives kay Diaz tulad sa nangyari sa kanya noong 1996.
“Yung kay Hidilyn, sana matupad lahat para hindi lang si Hidilyn, yung iba pang gustong maging athletes na kabataan, magpursige rin na ganun pala kalaki yung mga binibigay,” sey ni Onyok.
Marami kasing hindi natupad sa mga pinangako na regalo kay Onyok noong manalo siya ng silver medal, kabilang na ang P2.5 million na pinangako noon ng kongreso.
Pati raw ang pinangakong scholarship sa kanyang dalawang anak ng Philippine Navy ay hindi raw nabigay kaya pinagsikapang pagtrabahuan ni Onyok ang pag-aaral ng mga anak.
Yung lifetime allowance naman na P10,000 a month ay isang taon lang at bigla itong tinigil. Yung binigay naman na bahay sa kanya ay hanggang ngayon ay di pa tina-transfer ang titulo sa pangalan niya.
Sey ni Onyok: “Ang inaano ko na lang sana, yung titulo lang mai-transfer na ba, kasi nakatira ako doon sa bahay, mamaya bigla akong palayasin doon.”
Sa edad na 22 ay nag-retire agad si Onyok sa boxing at ‘di na raw naulit ang paglaro niya sa Olympics. Mas pinili raw niyang sa Pilipinas magtrabaho para mabantayan ang paglaki ng mga anak niya.
Pinasok ni Onyok ang showbiz at ginawang pelikula ang buhay niya ng Viva Films titled Onyok Velasco Story kunsaan nakatambal niya si Ina Raymundo.
Sunud-sunod naman ang mga naging TV shows niya tulad ng Idol Ko Si Kap, Kool Ka Lang, Da Body en Da Guard, Da Pilya en Da Pilot, Ok Fine Whatever, Everybody Hapi, Show Me Da Manny at Toda Max.
***
MUKHANG si Sanya Lopez na ang “flavor of the season” dahil sa mga susunod na mga trabaho niya sa Kapuso network after ng top-rating teleserye niya na First Yaya.
Nag-renew ng kanyang kontrata with GMA Artist Center si Sanya at sa virtual event ay kabilang ang bagong GMA Artist Center Consultant na si Mr. Johnny Manahan a.k.a. Mr. M na present sa pagpirma ng aktres.
Nag-blush pa si Sanya sa mga papuri na binigay ni Mr. M sa kanya dahil napanood niya ito as Melody sa First Yaya.
“She’s a very talented and beautiful actress and excited to be a mentor for her. I am sure with the guidance of the artist center she will reach new heights. Magaling siya eh, tulad ng sabi ng iba mabait siya, kaya importante rin ‘yun,” sey pa ni Mr. M.
Kabilang si Sanya sa gustong makilala ni Mr. M noong maging offical na Kapuso siya kamakailan,
Hindi makapaniwala si Sanya na si Mr. M na ang nagsabing magaling siya at nangako ito na mas ibibigay pa niya ang mahusay na performance sa mga susunod pa niyang mga proyekto sa GMA.
***
PINABORAN ng US judge ang Jane Doe na nag-file ng civil lawsuit laban sa Oscar-winning actor na si Cuba Gooding, Jr. dahil sa kasong rape.
Ayon kay Jane Doe, ginahasa siya diumano ni Gooding ng dalawang beses sa isang Manhattan hotel room noong 2013.
Bigo raw ang aktor na mag-respond sa akusasyon sa kanya kaya pinaboran ni US District Judge Paul Crotty ay nag-grant ng default judgment kay Gooding dahil liability siya sa sinampang kaso ni Jane Doe.
“Defendant has completely failed to engage with this case,” making his default “willful,” ayon kay Crotty.
Mabibigyang ng pagkakataon ang 53-year old actor na harapin ang kaso at iapela ang hinihinging punitive damages ni Jane Doe na nagkakahalaga ng $6 million. Nakatakdang humarap sa korte si Gooding on September 7.
Ayon sa lawyer ni Jane Doe: “Mr. Gooding failed to respond to the serious allegations made by our client. We look forward to the damages hearing.”
In 2019, nag-plead “not guilty” si Gooding sa isa pang Manhattan court for unwanted touching of three women in separate incidents.
Nanalo ng best supporting actor sa Academy Awards si Gooding noong 1997 para sa pelikulang Jerry Maguire.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Dancing the Tides’ ni XEPH SUAREZ, ire-represent ang bansa sa Cannes Film Festival
ISANG regional film project at 33 na production companies, institutions, at organizations ang bumubuo sa representasyon ng Pilipinas sa La Fabrique Cinéma de l’Institut français at Marché du Film ng Cannes Film Festival ngayong taon. Itinatag noong 1959 kasabay ang ika-13 na edisyon ng Cannes Film Festival, ang Marché du Film ay ang […]
-
Ads December 10, 2024
-
Salma Hayek reveals new detail about her ‘eternals’ character, Ajak
Salma Hayek reveals new details about her Eternals character. NOW that Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings has been playing in theaters for nearly two weeks, eyeballs have slowly been turning to the next film on Marvel’s release slate. Similar to Shang-Chi, the next cinematic entry in the MCU will continue to introduce new and […]