• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dating aktor na si John Wayne Sace, inaresto matapos mapatay ang sariling kaibigan sa Pasig City

INARESTO at nasa kustodiya na ng pamunuan ng Pasig City Police ang dating aktor na si John Wayne na sangkot sa kasong pagpatay umano sa kanyang kaibigan.

 

 

Ayon kay EPD Director PCol. Villamor Tuliao, bandang alas syete kagabi, nang pagbabarilin ng aktor ang kaniyang kaibigan sa barangay Sagad, Pasig City.

 

 

Sinubukan pa raw tumakas ng aktor pero nahuli ito sa isang motel.

 

 

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na matagal nang kaalitan ni John Wayne ang kaniyang kaibigan

 

 

Sa online post din nito bago siya maaresto, bagama’t walang binanggit na pangalan, sinabi nitong may banta sa kaniyang buhay at sa buhay ng kaniyang pamilya.

 

 

Huling napanood sa telebisyon si John Wayne sa FPJ’s Ang Probinsyano noong 2021 hanggang 2022 bilang si Omar. (Richard Mesa)

Other News
  • Tinaguriang kanang kamay ni Pope Francis nagpositibo sa COVID-19

    NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang tinuturing na kanang kamay ni Pope Francis na si Cardinal Pietro Parolin.     Kinumpirma ni Vatican spokesman Matteo Bruni ang pagpositibo sa virus ng 67-anyos na ikalawang mataas na opisyal ng Vatican.     Kasalukuyan na rin itong naka-isolate matapos na makaranas ng katamtamang sintomas mula sa nasabing sakit.   […]

  • Bisa ng driver’s license, pinalawig hanggang Oktubre 31

    PINALAWIG ng Land Transportation Office (LTO) ang bisa ng driver’s license na mag-e-expire simula Abril 24.     Ito ay batay sa ni­lagdaang memorandum circular ni LTO chief Jay Art Tugade na nagpapalawig sa validity ng driver’s license hanggang Ok­tubre 31 ng kasaluku­yang taon o sa sandaling matapos na ang procurement o ang proseso ng […]

  • Mga gobernador ng Laguna, Cavite, iba pang lalawigan tiniyak ang landslide win ni BBM

    ILANG araw bago ang halalan, lalo pang tumibay ang tsansa ni presidential frontrunner at dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na manalo matapos tiyakin ng mga gobernador ng mga pinaka vote- rich na lalawigan sa bansa ang kanyang tagumpay.     Sa isang pulong sa BBM Headquarters sa Mandaluyong ay siniguro nina Gob. Jonvic Remulla ng […]