• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dating Finance Secretary Roberto de Ocampo, kumbinsidong hindi natutulog sa pansitan ang administrasyong Marcos para mapalakas ang ekonomiya

KUMBINSIDO si dating Department of Finance (DoF)  Secretary Roberto de Ocampo  na may ginagawang mga hakbang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para maging malakas at tuloy- tuloy ang takbo ng ekonomiya ng bansa.

 

 

Sinabi ni de Ocampo, nakikita niyang nagsusumikap ang administrasyong Marcos  para matiyak na may trabaho ang mga tao habang naghahanap din ito ng remedyo upang ang presyo ng bilihin at presyo ng krudo ay hindi naman masyadong tumaas.

 

 

“Sa pangkat naman ng administrasyon, gumagawa po sila ng ilang hakbang upang ang ekonomiya ay tuluy-tuloy pa ring sumulong at magkaroon ng hanapbuhay ang ating mga mamamayan at naghahanap sila ng mga remedyo upang iyong supply ng mga bilihin at ang presyo ng bilihin at presyo ng krudo ay hindi naman masyadong tumaas,’ ayon kay de Ocampo.

 

 

“Kaya medyo umaapak din tayo sa preno tungkol sa ekonomiya ngunit hindi tayo umaapak sa preno nang tuluyan katulad ng Amerika sapagkat mas malala ang sitwasyon nila doon at hindi bagay sa atin na kopyahin natin ang ginagawa nila. Ito po ay parang pagtitimpla na katamtaman at tamang pagsulong ng ekonomiya at ang pagsipsip ng sobrang piso sa ating ekonomiya. Hindi po madaling usapan, pero iyan po ang sitwasyon,” aniya pa rin.

 

 

Sa kasalukuyan,  dalawang bagay ang ginagawa ring hakbang ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa harap ng forecast ng mga eksperto na baka lumampas sa 6% ang inflation rate.

 

 

Isa na rito ayon kay de Ocampo ay  kontrolin ang money supply o suplay ng piso sapagkat kapag sumobra din naman ito ay bababa ang halaga nito.

 

 

Sinabi pa nito na kung tutuusin  ay mas malala ang sitwasyon sa Amerika at kung anuman aniya ang ginagawang hakbang ng US ay hindi naman natin dapat na kopyahin.

 

 

” Unang-una po, iyang inflation na nangyayari ngayon ay nagbubunga sa Amerika, hindi po nagbunga dito sa Pilipinas. At alam ninyo may kasabihan na kapag sinipon iyong Amerika, nagkakaroon ng pneumonia iyong ibang mas maliliit na bansa katulad natin. Eh ngayon hindi lang sinipon ang Amerika, na-pneumonia pa,” ayon kay de Ocampo.

 

 

“Aabot ba tayo nang mas mataas sa 6%? Sa palagay ko depende kung ano ang gagawin ng gobyerno para hindi naman umabot sa ganoon. Ang ginagawa po nila ay dalawa, mayroong ginagawa ang BSP upang kontrolin ang money supply, supply ng piso sapagkat kapag sumobra din naman iyan ay bababa ang halaga,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • Marcos, hindi pa rin nakukuha ang ‘endorsement’ ni PDU30- Malakanyang

    HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nage-endorso si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng kahit na sinumang presidential candidate sa kabila ng pagsuporta ng kanyang partido, Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), sa kandidatura ni dating Senador Ferdinand Marcos Jr.     Sinabi ni acting Deputy Presidential Spokesperson at Communications Undersecretary Michel Kristian Ablan na tila […]

  • Pinasilip ang script ng ‘Buybust 2’: ANNE, sa Thailand napiling mag-Holy Week kasama ang mag-ama

    SA Thailand napili ng mag-asawang Anne Curtis at Erwann Heussaff na magbakasyon nitong Holy Week.     Kasama siyempre ang kanilang anak na si Dahlia na at a very young age ay maituturing ng jetsetter.     Sa Phuket, Thailand kunsaan, nasa pool area si Anne, tila ni-reveal na nito ang kanyang pagbabalik pelikula.  Habang naka-bakasyon, […]

  • Belle Mariano makes history as the singer of “Anong Daratnan,” the Filipino rendition of “Beyond” from Moana 2

    FILIPINO actress and singer Belle Mariano has been revealed as the voice behind “Anong Daratnan”, the Filipino rendition of “Beyond,” the end-credit single for Walt Disney Animation Studios’ highly anticipated sequel, Moana 2.   This marks the first time a Filipino song will be featured in a Disney animated film, creating a monumental milestone for […]