Dating Mayor ng Antique, itinalaga bilang bagong pinuno ng SBMA
- Published on May 5, 2023
- by @peoplesbalita
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Antique Mayor Jonathan Dioso Tan bilang Administrator and Chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority na may termino na anim na taon.
Pinalitan ni Tan si Rolen C. Paulino.
Ang appointment letter ni Tan na pirmado ng Pangulo ay may petsang Abril 28, 2023.
“By virtue hereof, you may qualify and perform the duties of the office, furnishing the Office of the President and the Civil Service Commission with copies of your Oath of Office,” ang nakasaad sa nasabing appointment letter na tinintahan ng Pangulo.
Sa ulat, nagbitiw sa puwesto si Paulino, ang chairman at administrator ng SBMA sa harap ng mga empleyado sa lowering of flag noong Marso 31, 2023, araw ng Biyernes.
Nagsumite si Paulino ng kaniyang courtesy resignation epektibo sa Abril 15, 2023 kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ilang araw matapos ang inilatag na State of the Freeport Address (SOFA) kung saan pinasalamatan niyang lahat ang mga dumalo.
Sa SOFA, una niyang pinasalamatan ang mga empleyado at mga opisyal ng SBMA, mga stakeholder, mga local government unit officials ng mga lugar na nakasasakop sa Subic Bay Freeport tulad ng Zambales, Olongapo City at Bataan.
Iniisa-isa nito ang lahat ng kanyang mga accomplishment sa loob ng maikling panahon, kung saan ang kanyang termino aniya ay natapat sa panahon ng pandemya pero nagawa aniya nang maayos at epektibo ang kanyang tungkulin.
Ayon kay Paulino, ang kaniyang termino ay 6 na taon base sa kaniyang appointment mula sa dating Pangulong Rodrigo Duterte, pero naghain siya ng courtesy resignation upang mabigyang-laya si Marcos na pumili ng bagong SBMA chairman and administrator. (Daris Jose)
-
LEA at MICHAEL BUBLE, sanib-puwersa bilang mga hurado sa all-digital singing competition na ‘Sing For The Stars’
SINA Lea Salonga at international singer Michael Buble ay magsasanib-puwersa bilang mga judges sa all-digital international singing competition na Sing For The Stars ng Filipino streaming platform na Kumu. Layunin ng singing contest na ito ay para ma-empower ang digital creativity ng mga Pinoy at maka-discover ng fresh musical talents. Ayon […]
-
PhilHealth: Breast cancer benefit, itinaas sa P1.4 milyon
MAGANDANG balita dahil umaabot na ngayon sa P1.4 milyon ang benepisyo sa gamutan na maaaring matanggap ng mga breast cancer patients mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Ito’y matapos na aprubahan na ng state health insurer ang pagtataas ng kanilang “Z-Benefit Package.” Sa isang public briefing, sinabi ni PhilHealth acting Vice President for Corporate […]
-
Training ni Pacquiao ‘di apektado sa kasong ‘breach of contract issue’
Hindi umano makakaapekto sa nagpatuloy na training ni Sen. Manny Pacquiao ang isyu tungkol sa breach of contract. Ito ang pahayag ni Pacquiao matapos lumabas ang balita na may sinuway itong kontrata sa OD Promotions. Sigurado umano ito na walang nangyaring breach sa kontrata dahil alam ito ng Team Garcia. […]