Dating pangulong Duterte, pinaalalahan sa pangako nito na dadalo sa Quad Comm hearing pagkatapos ng Undas
- Published on November 8, 2024
- by @peoplesbalita
NANANAWAGAN ang isang lider ng grupong “Young Guns” sa Kamara kay dating pangulong Rodrigo Duterte na tuparin ang naging commitment nito na dumalo sa gagawing pagdinig ng Quad Comm tulad nang inawa nitong pagharap sa Senate Blue Ribbon Committee.
“Elected leaders should have the courage to practice the virtue of having a word of honor. Filipinos know the former president as someone with palabra de honor. Throughout his political career, especially during his decades as mayor of Davao City, he built a reputation as a man of his word. This integrity is largely why people repeatedly placed their trust in him,” pahayag ni ” said House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur.
Iginiit ng mambabatas ang importansiya nang pagdalo ni Duterte sa pagdinig ngayong Huwebes (Oktubre 7) upang makapaglaan ng oportunidad sa mga lider at miyembro ng kamara na makakuha ng sagot sa mga tanong na tanging ang dating pangulo ang makapagbibigay.
“It would demonstrate that he’s not afraid of accountability, just as he showed in the Senate probe, where he took responsibility and advocated for the victims of extrajudicial killings during his administration, shielding his police officers from potential criminal or administrative charges,” paliwanag pa ni Adiong.
Una nito, siniguro naman ni Martin Delgra, abogado ni Duterte ang intensiyon ng dating pangulo na dumalo sa pagdinig ng Quad Comm.
Kinumpirma ni Delgra, na nagsilbing chairman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa panahon ni Duterte, ang pangakong pagdalo sa isang liham sa lead chairman ng komite na si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang pagdalo ng dating presidente pagkatapos ng All Saints’ Day.
“Rest assured of my client’s willingness to appear before the House on some other available date, preferably after Nov. 1,” pahayag ng dating opisyal.
Ito ay kasunod na rin sa pagtanggi ni Duterte na dumalo noong October 22 hearing, dahil sa health issue at short notice.
“Considering his advanced age and the several engagements he had to attend, he is currently not feeling well and is in need of much rest. Hence, my client respectfully request to defer his appearance before the honorable committee,” pahayag pa ni Delgra sa dalawang pahinang liham. (Vina de Guzman)
-
Nawalan ng interes si Derek Ramsey kay Andrea Torres dahil ang dalaga raw ang masyadong “naghahabol”
Nananatiling palaisipan para sa marami ang biglaang hiwalayan ng magkasintahang Derek Ramsay, 44, at Andrea Torres, 30. Sweet pa sila sa isa’t isa at magkasama sa isang frame nang mag-shoot ng Christmas station I.D. ng GMA Network. Pero kasabay ng pag-ere nito noong November 17 ay lumabas ang balitang break na sila. […]
-
2 lalaki kulong sa dalang P346-K shabu
NABUKING ang dalang higit P346,000 halaga ng shabu ng dalawang drug suspects makaraang masita ng mga pulis dahil sa paglabag sa curfew at hindi pagsuot ng face mask sa Malabon city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon Police Chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Henison Tanghal alyas Entong, 42, at […]
-
DA, naglunsad ng P45/kilo ‘Rice-for-All’ program
INANUNSYO ng Department of Agriculture (DA) na nakatakda itong maglunsad ng bagong inisyatiba na naglalayong gawing affordable ang presyo ng bigas para sa mga Filipino consumer. Sinabi ng DA na ilulunsad nila ang Rice-for-All program, araw ng Huwebes, Agosto 1, 2024. Ang bagong programa ay ‘follow up’ sa P29 […]