Dating pedicab driver sikat at malayo na ang narating
- Published on August 17, 2020
- by @peoplesbalita
Sobrang layo na ang narating ni Arwind Santos ng San Miguel Beer na dati lamang na pedicab driver sa Angeles City, Pampanga pero ngayon ay isa na ito sa natatanging bahagi ng 40 greatest player ng PBA.
Para lamang magkaroon ng kakainin ang pamilya nila noon, kailangan kumayod nito sa pamamagitan ng pagpadyak ng pedicab. Hirap sa buhay ang pamilya ni Santos sa Pampanga.
Dahil sa angking tangkad nito ay na recruit siya ng mga bataan ni Pampanga Mayor Dennis Pineda, na ngayon ay gobernador na. Tumutulong ito sa mga kabataan na may potential tulad ng ginawa niya kay Arwind.
Hinasang mabuti sa Pampanga at nang matuto ay saka dinala sa Manila at pinag-tryout sa FEU Tamaraw hanggang sumapit ang tamang panahon ay nagpa-draft sa PBA.
Taong 2006, na draft si Santos ng Air21 Express. No. 1, pick 2nd over all. Nailipat siya noong 2009, sa Patron Blaze Booster na kilala ngayon bilang San Miguel Beer.
Ilan sa mga achievement ni Arwind sa kanyang Basketball career: 9-time PBA champion, 2-time PBA finals MVP, PBA Most Valuable player (2013), 2-time PBA best player of the Conference, 11-time PBA All Star, 2-time PBA All Star game MVP, 9-time PBA Mythical first team, 2-time PBA Mythical second team, 2-time PBA Defensive player of the year, 7-time PBA All Defensive team, PBA All rookies team (2007), PBA Order merite (2009), PBA Blitz Game MVP (2009) at isa sa 40 greatest player ng PBA.
-
Dickel, mananatiling coach pa rin ng Gilas – SBP
Mananantili pa ring interim head coach ng Gilas Pilipinas si TNT active consultant Mark Dickel. Ito ay matapos na pagdedesisyunan pa ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) kung sino ang ilalagay nilang permanenteng coach ng national basketball team. Sinabi ni SBP executive director Sonny Barrios, na mananatili pa rin si Dickel hanggang wala […]
-
Hidilyn Diaz unti-unting nagpapakondisyon
Mas pinili ni Tokyo Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz na ibalik ang kanyang focus para humugot ng bagong lakas sa paglahok sa mga susunod na international competitions. Unti-unti nang nagpapakondisyon ang national lady weightlifter sa isang training camp sa Malacca, Malaysia kasama ang kanyang fiance at coach na si Julius Naranjo. […]
-
PBBM, magkakaroon ng anim na bilateral meetings sa sidelines ng APEC summit
MAY anim na bilateral meetings ang dadaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Thailand. “Yes, the President is having bilateral meetings with six counterparts. The arrangements are still being finalized so I’m not at liberty to disclose yet at this time which economies and leaders […]