• November 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DATING PULIS, INARESTO NG NBI

ISANG  dating pulis ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa umano’y pangongolekta ng pera  gamit ang pangalan ni retired PNP Chief General Camilo Cascolan.

 

Nabatid na mismong si Cascolan ang naging tulay upang maaresto ang suspek sa pamanagitan ng entrapment operation.

 

Matatandaan na nagbabala noon si Cascolan laban sa isang indibidwal na gumawa raw ng pekeng Facebook account gamit ang kanyang pangalan  para makapanghingi ng pera.

 

Sinabi  naman  ni Cascolan sa isang pahayag na dapat din umanong maimbestigahan ang suspek upang malaman kung sino ang mga kasabwat at nasa likod nito. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Petisyon vs PUV modernization, ibinasura ng SC

    IBINASURA ng Korte Suprema ang isang petisyong humihiling na ipawalang-bisa ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) na isinusulong ng Department of Transportation (DOTr).     Sa desisyon ng Supreme Court (SC) en banc, na iniakda ni Associate Justice Maria Filomena D. Singh, ibinasura nito ang petition for certiorari and prohibition na inihain ng mga […]

  • LeBron, hindi na rin maglalaro sa Tokyo Olympics

    Idineklara ni NBA superstar LeBron James na hindi na rin siya maglalaro sa nalalapit na Tokyo Olympics sa buwan ng Hulyo.     Ginawa ni James ang pahayag matapos na eliminated na ang Los Angeles Lakers sa NBA playoffs nang masilat ng Phoenix Suns sa loob ng anim na laro sa first round.     […]

  • Enchong, walang takot maghubo’t hubad sa ‘Alter Me’

    KAYA naman pala nasa Top 10 ng Netflix Philippines ang pelikulang Alter Me dahil sa mga sobrang daring ng bida nito na si Enchong Dee.   Sumabak sa maraming maiinit na eksena si Enchong at wala itong takot maghubo’t hubad. Ilang beses na pinakita ang puwet niya sa mga sex scenes at ang almost frontal […]