DATING PULIS, INARESTO NG NBI
- Published on December 18, 2020
- by @peoplesbalita
ISANG dating pulis ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa umano’y pangongolekta ng pera gamit ang pangalan ni retired PNP Chief General Camilo Cascolan.
Nabatid na mismong si Cascolan ang naging tulay upang maaresto ang suspek sa pamanagitan ng entrapment operation.
Matatandaan na nagbabala noon si Cascolan laban sa isang indibidwal na gumawa raw ng pekeng Facebook account gamit ang kanyang pangalan para makapanghingi ng pera.
Sinabi naman ni Cascolan sa isang pahayag na dapat din umanong maimbestigahan ang suspek upang malaman kung sino ang mga kasabwat at nasa likod nito. (GENE ADSUARA)
-
100 undocumented Filipino workers naharang
NAHARANG ng Bureau of Immigration (BI) ang tinatayang 100 undocumented na manggagawang Filipino ang naharang sa Zamboanga International Seaport (ZIS). Ayon kay BI Commisioner Jaime Morente, nasa kabuuang 110 kababaihang pasahero ang naharang sa tatlong magkakahiwalay na pagkakataon ng mga tauhan ng BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU). Dagdag pa nito, nagtangkang […]
-
Utos ni PBBM sa mga ahensiya ng pamahalaan, LGUs: Suportahan ang programa laban sa kriminalidad
TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang memorandum circular na inaatasan ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan at hinikayat naman ang local government units na suportahan ang 2023 National Crime Prevention Program (NCPP). Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 19, nilagdaan ng Pangulo araw ng Martes, ang direktiba ay alinsunod sa […]
-
PDu30, inamin na sinadya na hindi magpakita sa publiko ng 2 linggo
MULING kinastigo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang mga kritiko matapos na hindi siya magpakita ng dalawang linggo sa publiko. Sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi ay inamin ng Pangulo na sinadya na mawala ng ilang araw. “Noong nawala ako ng ilang araw, talagang sinadya ko ‘yun. Ganoon ako […]