• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dating pulis na nasangkot sa viral video ng pananakit at panunutok ng baril dapat na sampahan ng kaso -Abalos

KUMBINSIDO  si Interior Secretary Benhur Abalos na dapat na sampahan ng kasong kriminal ang dating pulis na nasangkot sa viral video nang pananakit at panunutok pa ng baril nito laban sa isang siklista.

 

 

Ang katwiran ng Kalihim, hindi dapat na kinukunsinti ang  “culture of impunity” sa bansa.

 

 

“For the sake of a peaceful and orderly society, we cannot allow a culture of impunity. We cannot allow bullies to just go around intimidating people with deadly weapons. There must be consequences here,” ani Abalos.

 

 

Sinabi pa ni Abalos, kahit pa nakipag-areglo ang dating pulis na si  Wilfredo Gonzales sa siklista ay maaari pa rin aniyang sampahan ito ng kasong kriminal.

 

 

“Even if the victim won’t testify, criminal cases can still be filed if another witness comes forward. For example, the person that took the viral video, or other bystanders during the incident, can establish that they were at the scene, and identify the perpetrator and the acts that he committed. At the very least, a case for alarm and scandal could be filed,” paliwanag ni Abalos.

 

 

Sa ulat, sinabi ni Gonzales na nagkaayos na sila ng siklista.

 

 

“Pagkatapos ng komprontasyon na nakita niyo sa viral video, ako at ang aking siklista ay pumunta kami sa police station kung saan kami ay nagkausap, nagkapatawaran at nagkasundong kalimutan ang nangyari,” aniya.

 

 

Sinupalpal naman ng abogadong si Raymond Fortun ang pahayag ng dating pulis at sinabing pwersahang pinapirma ang siklista ng testimonyang nagsasabing siya ang may sala sa pangyayari.

 

 

Nagbayad pa umano ang biktima ng P500 dahil sa nagasgas na bahagi ng sasakyan.

 

 

“Dinala ng pulis ang siklista sa police station. Doon ay sapilitan sya na pinapirma ng agreement na nagkaayos umano sila at inamin nya na sya ang may mali. Di lang yon — pinagbayad pa sya ng ₱500 dahil nagasgasan n’ya ang sasakyan ng ex-pulis,” saad sa Facebook post ni Fortun.

 

 

“Yung nag-upload ng video ay tinakot din. Hindi nyo na makikita ang video sa vlogsite nya,” pagbabahagi pa niya.

 

 

“There can be no criminal case without the cooperation of the victim. But that does not mean that we, the public, are left helpless,” dagdag nito.

 

 

Mismong si Fortun na ang maghahain ng reklamo sa Land Transportation Office para bawiin naman ang driver’s license ni Gonzales, “for driving in a reckless manner that threatened the life of AB.”

 

 

Magpapadala rin umano siya ng kopya ng video “to the Senate President and the Speaker of the House, for them to decide whether the same can be the basis for a congressional investigation, in aid of legislation, in order that the August 8,2023 incident will not be repeated and that the citizenry would feel safer as they traverse our streets.” (Daris Jose)

Other News
  • Duterte nagpaliwanag sa pag-atras sa debate kay Carpio

    Nagpaliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit umatras siya sa hamon niyang debate laban kay retired Senior Supreme Court (SC) Associate Justice Antonio Carpio.     Sinabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People noong Lunes, nakalimutan niya na isa siyang presidente ng bansa.     Nakinig naman umano siya sa payo ng kanyang […]

  • Ads February 16, 2023

  • PBBM, idineklara ang Misamis Occidental bilang ‘INSURGENCY-FREE PROVINCE’

    IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Biyernes ang Misamis Occidental bilang isang “Insurgency-Free Province”.     Ayon sa Pangulo, ang malakas na ‘political will at mahigpit na pagtutulungan ng mga law enforcement agencies ang naghatid sa pagtatapos ng communist rebellion at terrorist activities sa lalawigan.     Sa naging talumpati ng Pangulo […]