• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dating VP Leni Robredo, pinaalalahanan ang publiko hinggil sa kumakalat na ‘fake number’ na humihingi ng donasyon

PINAALALAHANAN ni dating Vice President Leni Robredo ang publiko hinggil sa kumakalat na fake number na humihingi ng donasyon para sa mga biktima ng bagyong Kristine.

 

Ayon kay Robredo, isa lang ang kanyang personal na numero at hindi rin siya gumagamit ng messenger.

 

Nilinaw din ng dating pangalawang pangulo na ang kanilang Angat Buhay o Naga Team ay hindi tumatanggap ng cash donations bilang bahagi ng kanilang pulisiya sa usapin ng transparency.

 

Dagdag pa ni Robredo na tanging ang ‘Kaya Natin’ movement group lamang ang kanilang inootorisa na tumanggap ng cash donations para sa kanila bilang bahagi ng transparency and accountability.

 

Hinimok din nito ang publiko na huwag maniniwala sa mga nagpapanggap bilang Leni Robredo o miyembro ng Angat Buhay. (Daris Jose)

Other News
  • 95%- 96% ng SIM owners, rehistrado na ang SIM card—DICT

    TINATAYANG  nasa 95% hanggang  96% ng SIM card owners ang nakapagpa-rehistro na ng kani-kanilang SIM card.     “As of May 10, 95 million na po, magna-96 million,” ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy sa isang panayam.     “I expect mga 100 million more or less, so […]

  • Tiyak na proud na proud ang bf na si Gerald… JULIA, pinusuan ng netizens ang pinost na sexy figure

    PINUSUAN ang latest IG post ni Julia Barretto ng netizens at celebrity friends na kung saan pinakita ang kanyang shapely and sexy figure.   Kuha ito habang siya’y nagbabakasyon at caption na, “staycation” and for sure, proud na proud dito ang kanyang boyfriend na si Gerald Anderson sa kanyang kaseksihan.   Kaya naman may kanya-kanyang […]

  • JERALD, pinuri ng netizens sa IG post na ‘letter to self’ dahil sa muling pagtaas ng Covid-19 cases

    PINUPURI ng netizens ang pinost ni Jerald Napoles sa kanyaang Instagram account na dinaan ang kanyang saloobin sa pagtaas na naman Covid-19 cases sa bansa sa pamamagitan ng isang liham sa kanyang sarili. Post ng aktor:   “Dear Jerald, “Linggo, maganda sikat ng araw, palabas ka na pero naisip mo. Mataas ang covid cases, dumadami […]