• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DAYO BINOGA SA BASECO, PATAY

PATAY ang isang lalaki na dumayo lamang sa lugar nang pagbabarilin ng di nakilalang suspek sa Baseco compound, Tondo, Manila

 

Kinilala ang biktima na si  Franjill Francia, nasa wastong edad ng Block 3 Lot 60 Mustard Street, Camella Homes, Bacoor, Cavite,base sa nakuhang lisensiya sa kanyang pitaka.

 

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Station 5, dakong alas-12:00 ng tanghali nang nakatanggap ng tawag ang pulisya hinggil sa naganap na pamamaril sa Baseco  Compound ,Port Area, Maynila.

 

Agad na rumesponde sa lugar ang mga pulis at inabutan ang biktima na may tama ng bala sa ulo at wala nang buhay.

 

Wala naman nakuhang anumang impormasyon ang pulisya sa pagpatay sa biktima.

 

Inaalam din kung ano ang motibo sa pagpatay. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Pfizer vaccines darating sa Abril

    Inaasahan na darating sa bansa ang inisyal na suplay ng bakuna buhat sa Pfizer-BioNTech na nasa ilalim ng COVAX Facility.     “Ang tingin po namin baka April na po ‘yung Pfizer kasi alam po natin na napakalaki ng demand ng Pfizer,” ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.     Nasa 117,000 doses […]

  • Pag-host ng PH sa FIBA Asia Cup qualifiers, kanselado dahil sa travel ban – SBP

    Kinansela na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pag-host ng Pilipinas sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pebrero dahil sa ipinataw na travel ban ng bansa bunsod ng bagong variant ng COVID-19.     Nakatakda sanang gawin sa bansa ang mga laro ng Group A at C sa ikatlo at huling window ng qualifiers […]

  • Catantan tumusok ng 14 na panalo sa US NCAA

    PAMBIHIRANG husay at bangis ang niladladlad ni Pennsylvania State University athletic scholar Samantha Kyle Catantan ng Pilipinas sa 81st National Collegiate Athletic Association Fencing Championship 2021 women’s foil event nitong Sabado (Linggo sa Maynila) sa Bryce Jordan Center sa University Park, Pennsylvania.     Nanalasa ng 14 na panalo ang 19 na taong-gulang, tubong Quezon […]