DBM AT COA PINALAWIG ANG KONTRATA NG JOB ORDERS AT CONTRACTUALS
- Published on October 23, 2020
- by @peoplesbalita
PINALAWIG pa ng Department of Budget and Management (DBM) at Commission on Audit (COA) hanggang 2022 ang pagkuha ng mga contractual at job orders na mga empleyado.
Sa Joint Circular No. 2, na dahil sa krisis dulot ng COVID-19 ay naapektuhan ang operasyon ng mga government agencies kaya mahalaga ang mga job orders at contract of service para maipatuloy ang mga transaksyong nabinbin sa gobyerno.
Dahil umano sa COVID-19 pandemic ay maraming mga transaksyon at trabaho sa gobyerno ang naantala matapos na tumigil ng ilang araw ang trabaho dulot ng pandemic.
Nakatakda sanang magtapos ang pagkuha at serbisyo ng mga kasalukuyang job orders at contractual hanggang sa katapusan ng Disyembre 2020.
Sa bagong DBM-COA joint circular ay mayroon ng pagkakataon ang mga government agencies, government owned-or controlled corporations (GOCC), constitutional bodies at state universities and colleges (SUC) na kumuha ng mga contractual at job orders o palawigan pa ang kontrata ng mga ito hanggang Disyembre 31, 2022.
-
Mga barangay chairman na pabaya sa pagkalat ng COVID-19 ipapaaresto na – Duterte
Muling ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kapulisan na arestuhin ang mga punong barangay na bigong pagbawalan ang mga nagaganap na mass gathering para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Sinabi ng pangulo, isang pagpapabaya sa mga sinumpaang tungkulin ng punong barangay kapag hahayaan lamang magkaroon ng hawaan ng virus. Dagdag […]
-
Diaz bababa ng timbang sa 2024 Paris Olympics
INALIS ng International Weightlifting Federation (IWF) ang women’s 55-kilogram division para sa 2024 Olympic Games sa Paris, France. Dahil dito ay nagdesisyon si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz na lumipat sa mas mababang 49kg. category sa kanyang pagsabak sa nasabing quadrennial event. Sa kabila ng pagkakaroon ng coronavirus disease (COVID-19) […]
-
Pantay na access sa coronavirus vaccines, isinusulong ng WHO
Nanawagan sa iba’t ibang bansa si World Health Organization (WHO) Director General Tedros Ghebreyesus upang makiisa sa isinusulong nitong mga hakbang upang siguraduhin na magkakaroon ng pantay na access ang mga bansa sa coronavirus vaccines. Sa isinagawang press briefing ng international body, nagbabala si Ghebreyesus tungkol sa mga bansa na nagmamadaling bumili ng bakuna […]