• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DBM, ipinalabas ang P875-M para punan ang QRF ng DSWD

INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng P875 million para punan ang Quick Response Fund (QRF) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang hakbang na ito ay alinsunod sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan para tiyakin ang ‘disaster response at recovery funds.’
Huhugutin ang pondo mula sa National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRM) Fund sa ilalim ng 2024 budget.
“Alam po natin na mahalaga ang papel ng DSWD sa pag-alalay at pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan lalo’t sunud-sunod po ang nangyaring mga kalamidad,” ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman.
“Kaya nung nag-request po sila na i-replenish ang kanilang QRF, agad po natin ‘yang tinugunan bilang pagsunod din po sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na siguruhing may nakaantabay tayong pondo para sa anumang sakuna,” ayon pa rin sa Kalihim.
Ang NDRRM Fund ay maaaring gamitin bilang karagdagang funding source para sa QRF ng mga nagpapatupad na mga ahensiya pag dating sa balance na umabot sa 50%, subject ito sa magiging pag-apruba ng DBM.
“As of October, DSWD’s available QRF balance has reached below the 50 percent threshold at P557.77 million or 31.87 percent of its current appropriations,” ayon sa DBM.
“The replenishment is intended for the procurement of family food packs and non-food items for the stockpiling of relief resources in DSWD warehouses, and the implementation of cash for work for the affected families of Typhoon Julian (international name Krathon) in Region 1,” ang sinabi pa rin ng departamento.
“Malaking bagay po ang pondong ito para tuluy-tuloy na makapagbigay ng tulong ang DSWD sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo,” ang sinabi ni Pangandaman.
(Daris Jose)
Other News
  • Panukalang pagsasama ng kasaysayan ng WWII sa higher education curriculum, aprubado

    INAPRUBAHAN  ng House Committee on Higher and Technical Education na pinamumunuan ni Rep. Mark Go (Baguio City) ang pinagsama-samang panukalang batas para sa pagsasama ng history subject sa higher education institutions (HEIs) ang kasaysayan ng ikalawang Pandaigdigang Digmaan.     Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Pasig City Rep. Roman Romulo, awtor ng House Bill […]

  • P100 milyong frozen meat, agri-commodities nakumpiska

    TINATAYANG nasa P100 milyong halaga ng frozen meat at agri-commodities ang nasamsam sa isinagawang joint raid ng mga tauhan ng Food Safety Regulatory Agencies ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) sa isang warehouse na na-covert na cold sto­rage facilities sa Kawit, Cavite, iniulat kahapon.       Ayon sa DA, nadiskubre […]

  • PIA, gumawa ng history dahil first Miss Universe titleholder na ipi-feature sa ‘Arab Fashion Week’

    GUMAWA ng history si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach dahil siya ang kauna-unahang Miss Universe titleholder na ma-feature sa digital edition ng prestigious Arab Fashion Week.      Si Pia ang magbubukas ng Arab Fashion Week on March 24, suot ang avant-garde creation of fellow Filipino Furne One of Amato Couture, kilala as the “King […]