DBM, labis ang pasasalamat sa napapanahong pagkakapasa sa 2025 nat’l budget
- Published on December 13, 2024
- by @peoplesbalita
PINASALAMATAN ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa napapanahong pag-apruba sa panukalang P6.352 trillion national budget para sa taong 2025.
Ito’y matapos aprubahan ng bicameral conference committee ang pinal na bersyon ng House Bill (HB) 10800 o ang 2025 General Appropriations Bill (GAB).
“We extend our sincerest gratitude to the leadership of both the Senate and the House of Representatives for their unwavering commitment and diligence in passing House Bill 10800 or the FY 2025 General Appropriations Bill on time,” ang sinabi ng Kalihim sa isang kalatas.
“Heartfelt thanks to Senate President Chiz Escudero; House Speaker Martin Romualdez; Senate Committee on Finance chairperson, Senator Grace Poe; House Appropriations Committee chairperson Rep. Zaldy Co; and the rest of our esteemed lawmakers for their steadfast support in navigating the complexities of budget formulation and deliberation during the past several months,”ang sinabi pa rin nito.
Ang panukalang 2025 national budget sa oras na maratipikahan ng Kongreso ay kaagad na ipadadala kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para lagdaan.
Sa ilalim ng panukalang 2025 GAB, makakukuha ang Office of the Vice President (OP) ng mas mababang budget na P733 million.
Base sa panukalang national budget para sa susunod na taon, ang alokasyon para sa Ayuda sa Kapos ang Kita (AKAP) Program ay natapyasan din. Sa katunayan, ang P39 billion ay P26 billion na lamang ito.
Tinuran ni Pangandaman na ang napapanahong pagkakapasa sa 2025 GAB ay mahalaga para mapanatili na nagpapatuloy ang operasyon ng gobyerno at tiyakin na ang mahalaga at kinakailangang serbisyo ay maihahatid ng walang pagkagambala.
“We are optimistic that the implementation of the 2025 national budget, which is expected to be signed by the President in the coming weeks, will lead to sustainable growth for our country and for all Filipinos,” ang sinabi ng Kalihim.
Samantala, inaasahan naman na titintahan ni Pangulong Marcos ang 2025 budget plan sa Disyembre 20, ang sinabi ni Presidential Communications Office Acting Secretary Cesar Chavez.
-
JOLLIBEE BINONDO, NILOOBAN
NILOOBAN ng hindi nakilalang salarin ang isang sangay ng fast food chain sa Binondo, Maynila kamakalawa ng kagabi. Sa ulat ng MPD-PS 11, alas 11:30 ng gabi ng pasukin ng suspek ang Jollibbee fastfood chain sa Quintin Paredes St., Binondo, Maynila. Nakasuot ang suspek ng facemask, short, T-shirt ,may katamtamang pangangatawan […]
-
Filipinas bumaba ang FIFA ranking
Bumaba ang rankings ng Philippine women’s national football team. Sa pinakahuling edisyon ng FIFA Women’s World Rankings ay nasa pang 41 na sila ngayon. Noong nakaraang rankings ay nasa pang-39 ang world rankings ng FILIPINAS. Isa sa mga naging malaking sanhi ng nasabing pagbaba nila ng rankings ay […]
-
Pukpukan na sa UAAP 2nd round
PAPASOK na ang UAAP Season 84 men’s basketball tournament sa krusyal na second round. Kaya naman inaasahang mas magiging matinding bakbakan ang masisilayan dahil unahan na ang lahat ng teams para makapasok sa Final Four. Magsisimula ang second round bukas tampok ang salpukan ng reigning champion Ateneo at La Salle sa […]