• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DBM, maghahanap ng paraan para pondohan ang P1,000 monthly pension para sa mga indigent seniors

MAGHAHANAP at gagawa ng paraan ang Department of Budget and Management (DBM) para mapondohan ang tumaas na  monthly social pension ng indigent senior citizens.

 

 

Mula kasi sa P500 ay  P1,000 na ang matatanggap ng mga ito.

 

 

Ito’y sa kabila ng nasa ” tight fiscal position” ang gobyerno.

 

 

“To be honest, we are in a very tight fiscal position due to muted revenue caused by the pandemic. Ibig sabihin po niyan kakaunti na lang ‘yung ating legroom para sa pag-accommodate ng mga bagong proyekto,” ayon kay DBM Undersecretary Goddes Hope Libiran.

 

 

Makikita sa data mula sa Bureau of the Treasury na ang fiscal performance ng pamahalaan sa buwan ng Hunyo ay ” deficit of P215.5 billion, wider by 43.81% year-on-year, as state spending exceeded revenues during the period.”

 

 

At dahil ang batas ay isa ng ganap na batas, kaagad na ipinag-utos ni  Budget Secretary Amenah Pangandaman sa ahensiya na maghanap ng pondo para sa programa.

 

 

Sa ilalim ng  Republic Act 11916, “private entities that will have senior citizens as employees shall be entitled to an additional deduction from their gross income, equivalent to 15% of the total amount paid as salaries and wages to senior citizens subject to the provision of Section 34 of the National Internal Revenue Code as amended.”

 

 

“DBM will find the way to fund this program,” ayon kay Libiran.

 

 

“Buo naman po ang suporta ng DBM sa mga ganitong klase ng proyekto lalo na po kung ang layunin nito ay makatulong sa mga nangangailangan,” aniya pa rin

 

 

“Based on consultations with senior budget officials, the increased social pension for the elderly program can be funded through the miscellaneous personnel benefits fund (MPBF), pension gratuity fund, or unprogrammed funds, ang dagdag na pahayag ni Libiran sabay sabing “Ire-recompute ang mga budget on that at kapag may excess, then we can realign that at ilagay sa budget ng DSWD (Department of Social Welfare and Development) para doon sa programa.”

 

 

Samantala, binigyan naman ng batas ng mandato ang  DSWD, bilang  implementing agency, na rebyuhin at kung kinakailangan ay i-adjust ang halaga ng social pension kada dalawang taon matapos na maging epektibo ang batas “subject to the approval of the DBM and in consultation with other stakeholders.”

 

 

Sinabi pa ni Libiran na hihintayin ng DBM ang “implementing rules and regulations” ng batas na gagawin ng  National Commission of Senior Citizens na may konsultasyon sa  DBM at DSWD at maging ang  validated list ng mga benepisaryo upang makapaglaan ng pondo ang departmento sa programa. (Daris Jose)

Other News
  • Nagbibiro na si Luis ng baby number 2: JESSY, inaming nabibilisan sila sa paglaki ni Baby ROSIE

    NANGANAK noong December 28, 2022 si Jessy Mendiola sa unang anak nila ni Luis Manzano na si Isabella Rose.     Ano na ang mga “kakulitan” ni Baby Rosie o Peanut?     “Naku ayaw na niyang magpababa ngayon! Ayaw na niya, tapos tumitili na siya, pag pinapaliguan namin siya, pag pinapalitan ko siya ng […]

  • NAVOTAS OUTSTANDING FISHERFOLK, PINARANGALAN

    BILANG bahagi ng 118th Navotas Day celebration, pinarangalan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang Top 10 Most Outstanding Fisherfolk sa taunang pagdiriwang ng Araw ng mga Mangingisda.     Tinanghal na Most Outstanding Fisherfolk si Orlando Dela Cruz mula sa Barangay Tangos South. Siya at ang iba pang mga awardees ay nakatanggap ng plaque of recognition, […]

  • PCSO, namahagi ng 7 ambulansiya

    NASA pitong ambulansiya ang ipinamahagi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa limang munisipalidad, mga sundalo at isang pagamutan, sa ilalim ng kanilang Medical Transport Vehicle (MTV) Donation Program.     Mismong si PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades “Mel” Robles ang nanguna sa pamamahagi ng mga naturang ambulansiya sa mga benepisyaryo, sa isang […]