DBM, nagpalabas ng mahigit sa P43B para sa Health Insurance para sa 8M senior citizen
- Published on April 12, 2023
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman ang P42,931,355,000 para i-cover ang one-year health insurance premiums ng mga senior citizens sa buong bansa.
“The Special Allotment Release Order (SARO) and its corresponding Notice of Cash Allocation (NCA) were approved by the Budget Secretary on 04 April 2023,” ayon sa DBM.
Ang kabuuang 8,586,271 enrolled senior citizens ay inaasahan na makikinabang mula sa nasabing allotment.
“From the start, the directive of President Bongbong Marcos has been very clear—- this government must ensure that our senior citizens have the support and resources they need to thrive,” ayon sa Kalihim.
“Our elderly will always remain vital members of our society who have spent many of their productive years not only in improving the lives of their family members but also in contributing to their communities. Dapat lamang na patuloy nating tulungan ang ating mga lolo at mga lola na manatiling malakas at malusog,” dagdag na pahayag nito.
Sa ilalim ng FY 2023 General Appropriations Act (GAA), inilaan ang P79,002,185,000 para bayaran ang health insurance premiums ng indirect contributors, kabilang na ang mga lolo’t lola o mga senior citizen.
Alinsunod sa Republic Act No. 10645, mas kilala bilang Expanded Senior Citizens Act of 2010, ang lahat ng senior citizens ay dapat na makasama o sakupin ng National Health Insurance Program (NHIP) ng PhilHealth.
Ang pondo na kakailanganin para masiguro ang enrollment ng lahat ng senior citizens na sa kasalukuyan ay hindi saklaw ng umiiral na kategorya ay huhugutin sa National Health Insurance Fund of PhilHealth mula sa nalikom ng Republic Act No. 10351 o Sin Tax Law. (Daris Jose)
-
Gobyerno, kailangan na magpalabas ng guidelines para sa COVID-19 home test kits sa lalong madaling panahon
NANAWAGAN si Vice President Leni Robredo sa gobyerno na bilisan ang pagpapalabas ng guidelines para sa paggamit ng home antigen test kits. “Sa ibang bansa, ina-allow na nila ‘yung home testing. Kapag masyado natin inistriktuhan ‘yung testing, nagko-congest [ang laboratories],” ayon kay Robredo. Sinabi pa ng Bise-Presidente na may mga ulat […]
-
PBBM, pinangunahan ng inagurasyon ng SORSOGON SPORTS ARENA
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Huwebes ang inagurasyon ng Sorsogon Sports Arena (SSA) na itinaon sa ika-130 taong anibersaryo ng lalawigan at pagdiriwang ng ika-50 taong anibersaryo ng Kasanggayahan Festival. Sinabi ni Pangulong Marcos na ang SSA, kayang maga-accommodate ng 12,000 katao at magsilbi bilang National Training Camp para sa […]
-
PH 3×3 may award sa PSA
May espesyal na parangal ang Philippine men’s 3×3 team na may ticket sa Olympics Qualifying Tournament sa gaganaping SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night ngayong Biyernes sa Centennial Hall ng Manila Hotel. Mangunguna sina Alvin Pasaol at Joshua Munzon, 2019 Chooks-To-Go Fan Favorite awardee, sa koponan para sa okasyon na mga hatid ng […]