DE CASTRO, NANUMPA SA AKSIYON DEMOKRATIKO
- Published on October 8, 2021
- by @peoplesbalita
NANUMPA na rin bilang miyembro ng Aksyon Demokratiko ang dating pangalawang pangulo ng bansa at announcer Noli de Castro.
Pinangunahan naman ang oath taking ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na tumatakbo naman bilang presidente sa 2022 elections.
Nakatakdang maghain ng kanyang kandidatura sa Harbor Garden Tent Sofitel si Castro.
Siya ay magbabalik pulitika kung sana tatakbo ito bilang senador .
Ayon kay de Castro, naniniwala ito sa magagandang ginawa sa lungsod .
Naniniwala rin ito na mas malaki ang kanyang maitutulong sa mamamayang Filipino sakaling makabalik siya sa Senado kaysa sa pagiging brodkaster nito pamamagitan ng maipapasa nitong mga batas na kapakipakinabang sa mga tao.
Una nang nagpaalam sa kanyang programa si De Castro upang muling bumalik sa mundo ng politika. GENE ADSUARA
-
MATTHEW PERRY, walang masyadong energy at may kakaiba sa pagsasalita sa reunion ng ‘Friends’
MARAMING fans nakapanood ng Friends: The Reunion ang worried sa kalusugan ng cast member na si Matthew Perry. Si Matthew ang gumanap sa role na Chandler Bing sa Friends. Napansin ng marami ang pag-slur nito kapag nagsasalita at tila wala siyang masyadong energy considering na siya ang pinakanakakatawa sa buong cast. […]
-
3×3 tourney aprub sa PBA
INAPRUBAHAN na ng Philippine Basketball Association (PBA) Board of Governors ang professional league men’s basketball 3×3 tournament, nabatid kahapon kay tournament chairman Richard ‘Dickie’ Bachmann ng Alaska Milk. Aantayin ng liga ang permiso mula sa Inter Agency Task Force (IATF) para sa balak na three-conference format para sa unang taon nito. […]
-
‘Overpriced’ laptops iimbestigahan ng Senado
PINAPAIMBESTIGAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel ang isyu kaugnay sa ‘overpriced’ at ‘outdated’ na laptops na binili ng Department of Education (DepEd) sa pamamagitan ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM). Sa Senate Resolution 120 ni Pimentel, inaatasan nito ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations […]