De Los Santos gold ulit sa Markham Open
- Published on November 19, 2020
- by @peoplesbalita
Tuloy ang buhos ng gintong medalya para kay Orencio James De Los Santos matapos muling pagharian ang men’s seniors individual kata ng Nox Dojo Markham City Open.
Isa na namang world class performance ang ipinamalas ng 30-anyos Pinoy bet para gapiin si Domont Matias Moreno ng Switzerland sa iskor na 25.3 – 24.2 sa championship round.
Nakapasok sa finals si De Los Santos nang igupo nito si Ali Mirkarimi ng Canada sa quarterfinals (24.9 – 20.9) at Alfredo Bustamante ng Amerika sa semifinals (25.9 – 24.9).
Ito ang ika-21 ginto ni De Los Santos upang mas patatagin ang kanyang kapit sa No. 1 spot sa world rankings.
“Continuing to widen the gap in the virtual kata world rankings! I’m much more motivated,” ani De Los Santos na sariwa pa sa kampeonato sa Okinawa E-Tournament World Series noong Sabado.
Samantala, nakahirit ng dalawang gintong medalya si Julia Marcos sa women’s seniors individual kata at women’s Under-21 individual kata habang naka-pilak naman si Fatima Hamsain sa female Under-15 individual kata category sa Okinawa event.
-
Ads March 17, 2022
-
Sara tinanggap ang Chairmanship ng Lakas–CMD
Tinanggap ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang alok ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. na maging chairman ng Lakas-CMD. “I am honored to accept the Chairmanship of Lakas–CMD,” pahayag ni Sara. Ang Lakas-CMD ay partido ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na President Emeritus ng Lakas habang si House Majority […]
-
2.2 milyong mag-aaral, mabebenepisyuhan ng ‘Libreng Sakay’ ng LRT-2
INIHAYAG ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Atty. Hernando T. Cabrera na tinatayang aabot sa 2.2 milyon ang mga mag-aaral na makikinabang sa ‘Libreng Sakay’ program na ipagkakaloob ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa unang quarter ng School Year 2022-2023. Ayon kay Cabrera, ang ‘Libreng Sakay’ program ng LRT-2 ay […]