• December 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

De Los Santos hakot ng 3 golds

“It’s raining golds” ang bumungad para kay World No. 1 Orencio James De Los Santos sa araw ng Martes nang kumana ito ng tatlong sunud-sunod na gintong medalya sa hiwa-hiwalay na torneo.

 

Tunay na humanga sa galing ng Pinoy karateka ang mga hurado matapos nitong ilatag ang kanyang world-class performance sa E-Karate Games 2020 third edition, second Euro Grand Prix E-Tournament 2020, at Rome International ENDAS Karate Cup.

 

Hindi nakaporma sa tikas ni De Los Santos si Silvio Cerone-Biagioni ng South Africa sa gold-medal match, 25.5-23.6, para makuha ang ginto sa E-Karate Games 2020 third edition.

 

Tuloy ang mainit na ratsada ng Cebu City pride sa second Euro Grand Prix E-Tournament 2020 matapos patumbahin si Domont Matias Moreno ng Switzerland, 25.3-23.6, tungo sa gold-medal performance.

 

Magarbong tinuldukan ni De Los Santos ang three-tournament rampage nito sa Rome International ENDAS Karate Cup kung saan iginupo ng Pinoy karateka si Alfredo Bustamante ng Amerika, 25.1-24.

 

Umabot na sa 29 gintong ang nalilikom ni De Los Santos sa online tournaments upang kapitan ng husto ang unang puwesto sa world rankings.

 

Hindi matinag si De Los Santos sa No. 1 spot tangan ang 13,745 puntos habang nasa malayong ikalawang posisyon si E­duardo Garcia ng Portugal (8,890) at ikatlo naman si Moreno (6,990).

Other News
  • Matatanda, PWDs isama sa rekomendasyon na pagbibigyan ng executive clemency

    NANANAWAGAN ang isang mambabatas sa Department of Justice (DOJ) na ikunsidera ang pagbibigay prayoridad sa mga matatanda, may sakit at persons with disabilities (PWDs)  sa pagrerekomenda nang pagbibigyan ng executive clemency sa mga bilanggo ngayong panahon ng kaaskuhan.     Ginawa ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan ang panawagan kasabay nang pagbibigay suporta […]

  • KYLIE, umamin na kasama si JAKE sa panahon ng lockdown

    NATANONG namin si Kylie Versoza sa ginanap na virtual mediacon para sa TV series na Ghost Adventure Season 2 kung ilang buwan silang magkasama ng boyfriend niyang si Jake Cuenca sa iisang bubong sa panahon ng lockdown.   Naka-post kasi sa kanilang social media account na magkasama sila ng panahong iyon.   “Grabe ang mga […]

  • Pag-angkat ng 150,000 metriko tonelada ng asukal, may go signal ni PBBM

    MAY basbas ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang pag-angkat ng asukal na hindi lalagpas sa 150,000 metric tons (MT)  para tugunan ang kakapusan ng suplay at  masawata ang tumataas na presyo nito sa bansa.     Ayon sa Sugar Order No. 2,  naka-post sa  Sugar Regulatory Administration (SRA) website, kalahati ng kabuuang  import volume, o […]