De Los Santos sumungkit ng ika-3 medalyang ginto
- Published on February 19, 2021
- by @peoplesbalita
NAPSAKAMAY ni Orencio James Virgil De Los Santos ang pangatlong gold medal sa 2021 E-Karate World Series #1, Male Shotokan Division nitong linggo.
Dinomina ng Pinoy karatekang world No. 1 e-kata player si world No. 2 Matias Moreno Domont ng Switzerland sa finals, 25.6-24.4 para sa panlimang gold sa nabanggit na torneo matapos makaapat sa nagdaang taon.
Sa pangkalahatan sapul nang ma-COVID-19 noong Marso 2020, ito ang 39th gold ni De Los Santos makalipas makalikom ng rekord na 36 na ginto nitong isang taon patungo sa pag-angkin noong Oktubre ng top spot world ranking. (REC)
-
PAGLUWAG SA TRAVEL RESTRICTION, HUDYAT NG PAGTAAS NG DAYUHANG BIYAHERO SA BANSA
UMAASA ang Bureau of Immigration (BI) na ang pagluluwag sa travel restrictions ay hudyat na tataas ang bilang ng mga biyahero sa Pilipinas. Sinabi ng BI Commissioner Jaime Morente na ang pag-aalis ng RT-PCR requirement para sa mga paparating na biyahero at ganap na bakunado at kahit na isang booster shot ay nakakaengganyo […]
-
PBBM, ininspeksyon ang NFA warehouse, suplay ng bigas sapat, problema sa suplay ng sibuyas, tinutugunan
NAGSAGAWA ng “surprise inspection” si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa warehouse ng National Food Authority (NFA) sa Valenzuela City, araw ng Sabado. Nais kasi ni Pangulong Marcos na personal na i-check ang suplay ng bigas. At sa tanong kung sapat ang suplay ng bigas, sumagot si Pangulong Marcos sa mga mamamahayag […]
-
Ads January 19, 2022