De Los Santos tuloy ang ragasa
- Published on October 3, 2020
- by @peoplesbalita
PATULOY sa pagkinang si karate star Orencio James (OJ) De los Santos nang madale ang ika-12 gold medal sa taong ito sa pamamayagpag sa Venice Cup 2020 #2 Virtual Tournament nito lang Miyerkoles.
Pumuntos ang 30-year-old, 5-foot-7 Cebuano Manila-based karateka ng 25.3-23.7 decision kontra kay Slovenian Nerc Sternisa sa e-kata individual male seniors final round para magtagumpay.
“I’m around 400+ points away from taking the no. 1 spot. Just to be really sure, I’ll need to win at least two more tournaments to seal the deal,” salaysay ng karatista nitong Huwebes.
Ikinagalak rin ng karateka sa kanyang Cacebook post, ang paghamig ng bronze medal ni Fatima A-Isha Lim Hamsain sa U16 women’s kata ng Shureido World League. (REC)
-
Kahit tapos na ang ‘Maria Clara At Ibarra’… Pagiging ‘Pambansang Ginoo’ ni DAVID, malaking impact at ‘di basta-basta mawawala
KAHIT tapos na ang ‘Maria Clara At Ibarra’ ay hindi basta-basta mawawala sa kamalayan ng publiko si David Licauco bilang Pambansang Ginoo. Aminado si David na malaking impact ito sa kanyang pagkatao. “Kung tinatanong niyo yung big change, yeah, it’s quite big and it’s overwhelming. “But at the same […]
-
PBBM deadma sa hirit ni ex-PRRD na ‘One Mindanao’ – Abalos
INIHAYAG ni Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos na ayaw patulan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panawagan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ihiwalay na ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas. Ayon kay Sec. Abalos, hindi na napag-usapan sa sectoral meeting kaninang umaga ang isyu ng one Mindanao kung saan, […]
-
VP Leni, bakunado na laban sa Covid-19
NABAKUNAHAN na noong Miyerkules si Vice President Leni Robredo gamit ang AstraZeneca COVID-19 vaccine sa Quezon City. Ito ang first dose ni VP Leni laban sa Covid -19. Sa isang kalatas, sinabi ni VP Leni na natanggap niya ang kanyang unang bakuna kasama ang mga miyembro ng kanyang staff lalo pa’t lahat sila […]