• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Deadline ng SIM registration, sa Abril 26

NILINAW kahapon ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at ng National Telecommunications Commission (NTC) na ang deadline ng SIM registration, na Abril 26, 2023, ay alinsunod sa itinatakda ng batas.

 

Matatandaang ang mandatory SIM registration ay nagsimula noong Disyembre 27, 2022 at magtatagal lamang ng 180 araw o hanggang Abril 26, 2023.

 

Gayunman, may ilang users ang nagpahayag ng kalituhan kung ang deadline nito ay papatak ng Abril o Hunyo.

 

Paglilinaw naman ng regulators, ang deadline ay hindi nagbabago at nananatiling Abril 26, 2023.

 

“Said deadline is in line with the provisions of Republic Act No. 11934, or the Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act, which states that ‘All existing SIMs subscribers shall register the same with their respective PTEs within one hundred eighty (180) days from the effectivity of this Act’,” anila pa, sa isang pahayag.

 

Sinabi pa ng mga naturang ahensiya na nakasaad sa batas na magiging epektibo ito 15-araw matapos ang paglalathala sa Official Gazette o sa isang pahayagan na may general circulation.

 

Anila, nilagdaan ito noong Oktubre 10, 2022 at nailathala sa Official Gazette noong Oktubre 12, 2022 at sa isang pahayagan noong Oktubre 13, 2022 naman.

 

“It therefore took effect 15 days after such publication, or no later than 28 October 2022,” dagdag pa nito.

 

Sinabi pa ng DICT na bagamat maaari nilang palawigin ang registration, ang goal pa rin nila sa ngayon ay matapos ito sa orihinal na deadline.

 

Hanggang nitong Enero 11, mahigit na sa 17 milyong SIM cards sa bansa ang nairehistro na.

 

Ito ay kumakatawan sa 10.47% ng mahigit 169 milyong mobile cellular subscribers sa buong bansa.

Other News
  • Valdez injury will not require surgery

    Nakatanggap ng malaking ginhawa ang Creamline isang araw matapos masungkit ang 2022 Premier Volleyball League Reinforced Conference bronze medal dahil hindi na mangangailangan ng operasyon ang injury ni Alyssa Valdez, inihayag ng team sa mga social media account nito noong Miyerkules.     Nasugatan ni Valdez ang kanyang kanang tuhod sa ikatlong set ng bronze-clinching […]

  • MIGO, nagpaalam na sa mga fans at nagpasalamat sa GMA Network

    MARAMING nagulat na netizens nang biglang mag-post ng video sa kanyang Instagram si Ultimate Male Survivor ng StarStruck Season 6, Migo Adecer last Saturday, April 10.     Nagpapaalam siya sa mga fans at mga Kapuso stars sa suporta sa kanya, at nagpaalam na rin siya sa GMA Network at nagpasalamat sa opportunity na nakapagtrabaho […]

  • World’s No. 1 Djokovic, todo sorry kaugnay sa naitalang COVID-19 infections sa sariling tennis tourney

    Labis ngayon ang paghingi ng paumanhin ni top-ranked tennis player Novak Djokovic sa mga players na nagkaroon ng COVID-19 na lumahok sa inilunsad nitong Adria Tour tennis tournament.   Pahayag ito ni Djokovic matapos na kumpirmahin nito na dinapuan din siya at ang kanyang asawang si Jelena ng deadly virus.   Matatandaang umani si Djokovic […]