‘Dear Heart’ concert, baka huli na nilang pagsasama: SHARON, pinagdiinan na ‘di sila nagkabalikan ni GABBY
- Published on December 15, 2023
- by @peoplesbalita
MAY post si Megastar Sharon Cuneta na, “I’m loyal. I’ll never leave you for someone else. I’ll only leave you for myself. For my peace, my sanity, my respect, my dignity.”
Ayon naman sa mga komento ng netizens parang itinuturo ni Sharon ang kanyang asawa na si Kiko Pangilinan.
Ayon kasi post ng dating Senador sa IG account niya na may larawan siyang nakaupo sa high chair at ang caption ay, “Kapag pagod ka na kakatayo at kakasalita maghapon sa mga speaking engagement pero hindi maaaring palampasin ang Open Forum at Q&A (lalo na kapag mabibigat ang mga katanungan ng mga kabataan).”
May post naman si Sharon ng, “May you soon meet the reason why the universe did not allow you to settle.
“The past is a place of reference, not a place of residence; the past is a place of learning, not a place of living.”
Nagsimula raw ang isyu sa mag-asawa dahil sa mga sweet moments at tuksuhan nina Sharon at Gabby Concepcion sa ginanap na “Dear Heart” concert nila sa MOA Arena at sa Cebu.
May nag-iisip tuloy na kanilang supporters na baka nagkabalikan na ang ex-couple.
Kaya naman may mahabang sagot si Sharon na hindi sila nagkabalikan ni Gabby.
“Oooooookay everyone. Please ‘listen.’ I understand that so very many of you Sharon-Gabby fans are thinking, or hoping that we are ‘back together’ in some way or another,” panimula ng isa sa bida ng ‘Family of Two’ ng CineKo Productions.
“Reality check: We have not been in touch since our last concert, we do not talk, text, see each other. We are living totally separate lives and whatever has been going on in mine, he has absolutely nothing to do with, and vice-versa.
“I know that the concerts brought all of you back to happier times, but there IS a reason why we have not gotten back together since we broke up in 1987. He is my eldest daughter’s Papa and so, he will always be a part of my life and history but that’s about it.
“We just couldn’t, cannot live together because we have very, very little in common.”
Kaya parang tinuldukan na ni Sharon na ang “Dear Heart” concert na ang huli nilang pagsasama ng Kapuso actor.
“The Dear Heart concerts might be the last you will see of us together for a long time or even ever. It’s just too complicated when our parties – and we just somehow cannot communicate and agree on certain things both work-related and not.
“My team and I have gone above and beyond for him so that Dear Heart could be brought to you, our beloved fans.
“Now to those who may be reading this who apparently like bashing and hurting my children, please do not include them they are basically private people, KIDS pa, and do not deserve all of your negativity.
“Di sila kasali dito, so I beg you, please stay away from them and leave them in peace. This kind of treatment you give my children is evil and so unwarranted.
“This is why I sometimes wish I had never married either Gabby or Kiko because four innocent souls had to be dragged into their Mama’s complicated life…I beg you to please let them be and leave them alone. Thank you so very much for your understanding. God bless us!”
(ROHN ROMULO)
-
DOTr, NLEX lumagda sa kasunduan tungkol sa PNR Clark 2
Lumagda ang Department of Transportation (DOTr) at NLEX Corp. sa isang kasunduan upang masiguro ang tuloy-tuloy na construction ng PNR Clark Phase 2 (Malolos-Clark) project. Sa nasabing kasunduan, napapaloob at nasasaad dito ay ang paghahanda sa mga coordinated designs, traffic management, safety at security plans na kailangan upang masiguro na ang construction ng […]
-
VEP, nais na mapabilang ang persons with comorbidities sa mabibigyan ng 2nd booster
NAIS ng Vaccine Expert Panel (VEP) na makasama sa mabibigyan ng 2nd booster ang mga persons with comorbidities. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni VEP chairperson Nina Gloriani na ang taong mayroong dalawa o higit pang sakit ay “similarly vulnerable” sa malalang sakit na coronavirus disease 2019 (Covid-19). “We agree, […]
-
Fahrenheit Cafe and Fitness Center sa E. Rodriguez, QC ipinasara ng QC LGU
IPINASARA ng QC Local Government ang Fahrenheit Cafe and Fitness Center (F Club) sa E. Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City. Ito ay nang tumanggi ang nasabing establisimyento na makipagtulungan na papasukin ang contact tracing team ng City Epidemiology and Surveillance (SECU) Division para magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa sakit na […]