• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Death penalty bills, sinimulan nang talakayin ng Kamara kasunod ng apela ni Duterte

Sinimulan nang talakayin ng House Committee on Justice ang nakabinbin na 12 panukala na naglalayong ibalik ang pagpapataw ng parusang kamatayan.

 

Ito ay matapos na umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang kapulungan ng Kongreso sa ikalimang SONA nito na asikasuhin ang mga panukalang batas para sa reimposition ng death penalty para sa mga krimen na may kaugnayan sa kalakaran ng iligal na droga.

 

Sa kanyang sponsorship speech, binigyan diin ng pastor-lawmaker na si House Minority Leader Bienvenido Abante na hindi immoral ang pagpapataw ng parusang kamatayan sapagkat ang Diyos aniya ang siyang nagtatag nito para sa ikabubuti ng tao.

 

Iginiit ni Abante sa mga kritiko ng panukalang batas na dapat “mata sa mata, ngipin sa ngipin” ang pagpapanagot sa mga nagkasala dahil paano naman aniya ang mga naagrabiyadong indibidwal, lalo na iyong mga binawian ng buhay bunsod ng nagawang krimen.

 

“I am for death penalty. Advocacy ko ito in defense of human life, honor and dignity… and respect for law and authority,” ani Abante.

 

Kinontra naman ni House Dangerous Drugs Committee chairman Robert Ace Barbers ang mga nagsasabing hindi deterrent sa pagsawata sa mga krimen na may kaugnayan sa iligal na droga ang muling pagpapataw ng parusang kamatayan.

 

Walang basehan aniya ito lalo pa at iisang kaso lamang sa Pilipinas ang humantong sa death penalty at wala pa aniyang kaugnayan ito sa iligal na droga.

 

Kadalasan kasi aniya sa mga tinutukoy na datos para masabing hindi deterrent ang death penalty sa mga drug-related crimes ay mga pag-aaral sa ibang bansa at kultura.

 

Hindi rin aniya dapat maging balakid para sa gobyerno na huwag gawin ang nararapat at makabubuti sa mga mamamayan kahit pa aminado siyang may mga butas sa justice system ng bansa.

 

Bukod dito, hindi rin aniya dapat magpatali ang Pilipinas sa mga international commitment nito dahil pinapahintulutan naman ng Saligang Batas ang pagpapataw ng parusang kamatayan.

 

Pero ayon kay Commission on Human Rights commissioner Karen Dumpit, malaki ang epekto sa ekonomiya at pakikitungo ng bansa sakaling ituloy ang reimposistion ng death penalty dahil sa mga paglabag sa maraming international agreements at obligations.

 

Bukod dito, wala naman kasi talagang compelling reasons para sa reimposition ng death penalty.

 

Papahinain lamang din aniya nito ang posisyon naman ng Pilipinas sa pag-apela sa buhay ng mga OFWs na nahaharap din sa death row sa ibang bansa. (Daris Jose)

Other News
  • BAGONG PAMBARANGAY TV PROGRAM, ILULUNSAD

    ISANG bagong TV program tungkol sa barangay ang sisimulang ipalabas sa Hunyo 15 sa IBC 13. Ang “Bagong Barangay ng Mamamayan in Action” ay mapapanood tuwing Huwebes, simula alas-4 hanggang alas-5 ng hapon at sina Cong. Rodante Marcoleta at Dept. of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Felicito “Chito” Valmocina ang magiging host. Ang programa […]

  • Ads May 11, 2023

  • KRIS, may personal tips na maging conscious ang mga babae dahil sa natanggap na bulaklak

    DAHIL sa natanggap na mga bulaklak, biglang may personal tips si Kris Aquino na dapat daw medyo conscious ang mga babae.   So, most likely, itong tips na ito ni Kris ang isa sa mga naging warning sign niya siguro pagdating sa mga lalaking nagpaparamdam sa kanya.   Ang bet sa kanya ng netizens na […]