Dec. 20 budget signing, naudlot para sa ‘rigorous, exhaustive’ review ni PBBM
- Published on December 21, 2024
- by @peoplesbalita
NAUDLOT ang target date sana para sa paglagda sa 2025 General Appropriations Bill (GAB) upang bigyan ng mas maraming oras at panahon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa isang “rigorous and exhaustive” na pagrerebisa at paghimay sa batas.
Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na wala pang pinal na petsa para sa paglagda ng GAA na may
P6.352 trillion national expenditure para sa fiscal year 2025.
“The scheduled signing of the General Appropriations Act on December 20 will not push through to allow more time for a rigorous and exhaustive review of a measure that will determine the course of the nation for the next year,” ang sinabi ni Bersamin.
“The ongoing assessment is being led by the President himself, in consultation with the heads of major departments,” dagdag na wika nito.
Kinumpirma naman ni Bersamin na may ilang bagay at probisyon na nakapaloob sa panukalang national budget para sa susunod na taon ang ibe-veto “in the interest of public welfare, to conform with the fiscal program, and in compliance with laws.”
Nauna rito sinabi ni Pangulong Marcos na nirerebisa pang mabuti ng Office of the President (OP) ang detalyadong bersyon ng 2025 GAB, lalo na ang probisyon na inilarawan bilang “worrisome elements” sa plano sa paggastos.
Winika pa ng Pangulo na maghahanap siya ng paraan para ibalik ang P10 billion na tinapyas mula sa Department of Education (DepEd) para sa 2025 ang pagtapyas sa alokasyon para sa edukasyon ay ‘salungat’ sa polisiya ng administrasyon.
Samantala, binigyang-katwiran naman ni Pangulong Marcos ang ‘zero subsidy’ para sa Philippine Health Insurance Corp. para sa susunod na taon sabay sabing ang PhilHealth ay ‘no budgetary issues’ dahil sa tinatayang reserba nito na P500 billion.
Matatandaang noong nakaraang linggo, inaprubahan ng bicameral conference committee ang P6.352 trillion 2025 budget bill. (Daris Jose)
-
Rollout ng mga smuggled na asukal sa Kadiwa stores, sisimulan na sa Abril – DA
TARGET ngayon ng Department of Agriculture na simulan na ang pagbebenta ng mga nakumpiskang smuggled na asukal sa mga Kadiwa store pagsapit ng buwan ng Abril ng taong kasalukuyan. Ayon kay DA spokesperson Kristine Evangelista, sa ngayon ay isinasapinal pa ng kagawaran ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng mga ito upang maibenta […]
-
Ads June 7, 2021
-
PDP-Laban, bumoto na naglalayong hikayatin si PDu30 na tumakbo sa pagka-Bise-Presidente sa 2022
BUMOTO ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan’s (PDP-Laban) national council , araw ng Lunes na bumuo ng isang resolusyon na naglalayong hikayatin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, chairman ng partido na tumakbo sa pagka-bise-presidente sa susunod na taon. Ang nasabing resolusyon ay mage-endorso rin kay Pangulong Duterte, na pumili ng magiging running-mate nito para […]