DECEMBER 22 OPENING NG NBA, LUMABO; PLAYERS ‘DI PUMAYAG
- Published on October 31, 2020
- by @peoplesbalita
BILANG tugon sa proposed NBA 72-game schedule na target ng liga para sa 2020-21 regular season, kasama na rito ang pagsisimula sa Dec. 22, isiniwalat ni National Basketball Players Association (NBPA) executive director Michele Roberts na karamihan sa manlalaro ay kumontra sa plano.
Ayon kay Roberts, nire-review nila nang husto ang pro- posal at nangangamba itong walang mabubuong desisyon ngayong Linggo.
“We have requested and are receiving data from the parties involved and will work on a counterproposal as expeditiously as possible,” ani Roberts.
“I have absolutely no reason to believe that we will have a decision by Friday. I cannot and will not view Friday as a drop-dead date.”
Gusto umano ng miyembro ng NBA Board of Governors ng posibilidad ng maigsing free agency period kasunod ng Nov. 18 draft at ang training camps ay magsisimula sa Dec. 1.
Nais ng NBA na maagang masimulan ang liga para makabawi sa naging lugi nila ngayong season.
Hindi naman pumayag ang ibang manlalaro sa plano ng liga dahil malaki umano ang naging sakripisyo nila sa paglalaro sa bubble kaya kailangan nilang ng mas mahabang pahinga.
“Our players deserve the right to have some runway so that they can plan for a start that soon,” ani Roberts.
“The overwhelming response from the players that I have received to this proposal has been negative.”
-
Pinay undefeated fighter Denice Zamboanga sasabak sa Bangkok
Nakatakdang makaharap ni undefeated Filipina fighter Denice Zamboanga si Wtasapinya “Dream Girl” Kaewkhong. Gaganapin ang laban ng dalawa sa darating na Agosto 28 sa Bangkok, Thailand. Sinabi ng 23-anyos na si Zamboanga, masaya na ito dahil sa muling paglaban niya. Huling lumaban ito ay noong Pebrero ng talunin niya si Mei Yamaguchi. […]
-
Para matigil na ang PRICE MANIPULATION:
DA, tinitingnan ang pag-alis sa brand labels sa imported na bigas INANUNSYO ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang plano nitong alisin ang brand labels sa imported na bigas sa layuning labanan ang price manipulation. “After conducting a series of market visits, we now have reason to believe that some retailers and traders are […]
-
Palaban sa mga sexy scenes kaya maraming views: ANGELI, isa sa itinuturing na ‘superstar’ sa digital platform na Vivamax
SI Angeli Khang ay isa sa itinuturing na superstar sa digital platform na Vivamax. Most of her movies sa Vivamax ay maraming views. Wala rin naman kasing kaba itong si Angeli pagdating sa hubaran, tulad ng latest movie nya titled Pusoy. Kumbaga sa larong Pusoy, laging bwenas sa si Angeli sa […]