DEDMA SA SRP, KULONG
- Published on March 4, 2020
- by @peoplesbalita
KAHIT na may ipinatutupad na suggested retail price (SRP) sa baboy, manok at iba pang agricultural products, may mga vendor sa Metro Manila ang napag-alamang hindi sumusunod.
Gayunman, ayon sa Department of Agriculture (DA), bibigyan pa rin ng pagkakataon ang mga nagtitinda na makapagpaliwanag kung bakit mas mataas ang kanilang presyo lalo na sa baboy.
Batay sa itinakda ng ahensiya ng gobyerno na nauna nang inilabas, P190 per kilo ang SRP para sa pigue at kasim ng baboy, P130 per kilo sa fully dressed chicken, P162 per kilo sa bangus, P120 per kilo sa tilapia at P130 per kilo sa galunggong.
Nagtakda rin ng SRP para sa bawang na P70 kada kilo para sa imported at P120 kada kilo para sa local; P95 kada kilo naman ang pulang sibuyas at P50 kada kilo ang refined sugar.
Babala sa mga susuway, sa ilalim ng Price Act, ang mga magmamanipula sa presyo ng mga produktong pang-agrikultura ay mahaharap sa parusang pagkakakulong at multa.
Tama lang na may SRP lalo na sa mga pangunahing bilihin, sa pamamagitan nito ay napoprotektahan ang mga mamimili mula sa mga abusado.
Pero, paano naman ang mga tindero na umaaray sa presyo na kanilang nakukuha mula sa kanilang mga supplier?
Madalas na reklamo lalo na ng maliliit na negosyante ay kung paano nila maipapasa ang produkto sa itinatakdang presyo kung sila naman ang malulugi?
Kaya mainam talagang magkaroon din ng pag-uusap sa pagitan ng mga opisyal ng gobyerno, mga negosyante at vendor at sana ay magkaroon din ng kinatawan ang mga konsiyumer para naman may direktang kaalaman sa kung paano nagtatakda, nagtataas o nagbababa ng presyo ng mga bilihin.
-
Pope Francis suportado ang pagpapabakuna laban sa COVID-19
SUPORTADO ni Pope Francis ang national vaccination na isinasagawa ng bawat bansa laban sa COVID-19. Itinuturing pa nito na ang pagpapabakuna ay isang moral obligation. Kasabay din nito ay kinondina ng Santo Papa ang mga “baseless” ideological misinformation tungkol sa COVID-19 vaccines. Sa kanyang talumpati sa “State of the […]
-
Kai Sotto babalik muli ng PH para sa Fiba Asia Cup qualifiers
Inaasahang darating sa pilipinas ang 7-foot-3 basketball prodigy na si Kai Sotto upang maging bahagi ng Gilas Pilipinas sa Fiba Asia Cup qualifiers na gaganapin sa Clark, Pampanga. Ang 19-anyos na na si Sotto ay una nang pumirma sa koponan na Adelaide Tigers na naglalaro sa Australian professional league ay kinailangan munang sumailalim […]
-
Fernando, humakot ng 24 na parangal para sa Bulacan
LUNGSOD NG MALOLOS – Panibagong milyahe ang nakamit ng Lalawigan ng Bulacan sa ilalim ng pamumuno ni Gobernador Daniel R. Fernando sa pagtanggap nito ng kabuuang 24 na nasyunal at rehiyonal na parangal para sa unang anim na buwan ng ikalawang termino ng punong lalawigan. Inialay ni Fernando ang mga parangal sa mga […]