DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 12) Story by Geraldine Monzon
- Published on January 22, 2022
- by @peoplesbalita
DAHIL sa pagkalaglag ng sanggol sa sinapupunan ni Angela ay nagka-idea si Roden na posibleng ito ang maging daan para matutuhan siyang mahalin ni Angela. Kung magkakaanak sila ay magiging isang pamilya na sila at makakalimutan na ng babae ang kanyang nakaraan.
Kaya nang gabi ring iyon ay gusto na ni Roden na umpisahan ang kanyang plano. Sinisimulan na niyang romansahin si Angela nang marinig niya ang paghikbi hikbi nito. Bigla siyang nawalan ng gana.
Kinubabawan niya ito at mariing hinawakan sa magkabilang braso.
“Makinig ka sa’kin Angela, wala na si Bela, wala na si Bernard, ikaw at ako na lang. Ikaw, ako at ang magiging anak natin!”
“Si Bela, ibalik mo sa’kin si Bela!” umiiyak na tugon ni Angela.
“Gumising ka na sa katotohanan!” isang malakas na sampal ang pinadapo ni Roden sa pisngi ng babae. Pero hindi ito natinag sa pag-iyak.
“BELAAAA!” sigaw ni Angela.
Tumayo si Roden at inis na lumabas ng silid. Sa maliit na terrace ng bahay siya pumwesto at nagsindi ng sigarilyo.
Nilapitan siya ni Manang Fe.
“O Roden, mukhang bad trip ka. Narinig kong sumigaw si Angela.”
“Hanggang kailan ba siya magiging ganyan?”
“Kailangan mong habaan ang pasensya mo.”
“Gusto kong magkaanak kami sa lalong madaling panahon.”
Napailing ang matanda sa sinabi ng binata.
“Makinig ka sa’kin Roden. Sa nakikita ko, may trauma pa si Angela. Bukod sa pagkawala ni Bela, isa pang anak niya ang nawala sa kanya nang hindi niya namamalayan. Kaya huwag mo siyang madaliin sa gusto mong mangyari. Una sa lahat, hindi mo siya maaaring galawin dahil katatapos lang niyang makunan. Kailangan ko pang alagaan ang katawan niya upang manumbalik ang lakas nito. Pangalawa, kailangan mo rin siyang patingnan sa psychiatrist o psychologist o ano bang tawag doon sa gumagamot sa pag-iisip ng tao na na-trauma? Kung talagang mahal mo siya, ibigay mo muna ang mga tulong na kailangan niya.”
Hindi umimik si Roden. Panay lang ang hithit niya ng yosi. Pinag-iisipan niya ang sinabi ni Manang Fe.
Hinatid ni Madam Lucia si Cecilia sa tahanan ng mga Cabrera.
“Magandang umaga ho. Ako si Madam Lucia. Ang lola ni Cecilia.”
“Magandang umaga rin. Ako naman si Corazon. Ang lola ni Bernard. Sige maupo kayo at pag-usapan natin ang trabahong iniaalok ko sa iyong apo.”
Napatingin silang lahat sa hagdanan nang bumaba si Bernard. Nagmamadali ang bawat hakbang nito.
“Bernard, narito sina Madam Lucia at Cecilia tungkol sa trabaho.”
“Lola, kayo na po ang bahala sa kanila. Male-late na po ako sa work.” Pagkasabi niyon ay humalik si Bernard sa noo ng matanda at nagmamadali nang lumabas ng bahay kahit hindi pa ayos ang necktie nito.
Palihim itong sinundan ng tingin ni Cecilia. Hindi niya alam kung bakit may bahagi sa puso niyang nalungkot nang hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng lalaki.
Mula noon ang buhay nina Bernard at Angela ay umikot sa mundo ng kapighatian. Kapwa balot ng kalungkutan ang kanilang mga puso.
Hindi pa rin sumusuko si Roden. Sinusuyo niya si Angela tulad sa kung paano niya ito binalak suyuin noong araw. Habang si Cecilia naman ay unti-unting umaasa sa isang pag-ibig na bago sa kanyang pakiramdam.
“S-Sir Bernard…kape po?” dala ang tasa ng kape ay nilapitan niya si Bernard sa maliit na office room nito sa loob ng bahay.
“Salamat Cecilia, pakilapag na lang diyan.” Ani Bernard na ang tingin ay nanatiling nakatutok sa laptop. Maging sa social media ay nagbabakasakali siyang matagpuan ang kanyang mag-ina.
Nanatili namang nakatayo sa pintuan si Cecilia.
“Sir. May ipag-uutos pa po ba kayo?”
“Wala na.”
Samantala.
Nagiging madalang na ang paghihisterical ni Angela subalit hindi pa rin siya nakakausap ng kahit sino. Wala pa rin siyang imik. Si Roden ay pansamantalang bumalik sa trabaho upang mapag-ipunan ang kailangan niyang pera para madala sa ibang bansa si Angela. Doon niya balak buuin ang kanilang pamilya.
Sinubukan ni Manang Fe na ilabas si Angela para magpahangin. Sinamahan niya itong maglakad lakad sa dalampasigan. Sige ang kausap niya rito kahit pa wala siyang nakukuhang tugon.
Natigilan si Angela nang makita niya ang dalawang batang babae na naglalaro sa tabi ng isang nakataling bangka.
“B-Bela?”
Patakbo niyang pinuntahan ang mga bata at niyakap ang isa sa kanila.
“Bela, anak ko!”
Mabilis namang sumunod si Manang Fe nang makitang natakot ang batang niyakap ni Angela.
“Angela, bitawan mo siya, hindi siya si Bela!”
Nang makawala mula sa pagkakayakap ni Angela ay agad nagtakbuhan palayo sa kanila ang dalawang batang babae.
“Siya si Bela, Bela, anak saan ka pupunta?”
Naiiling na lang si Manang Fe habang pinipigilan si Angela na sundan ang dalawang bata.
Tulad ng mga nagdaang gabi. Lasing na namang umuwi si Bernard. Pagkagaling sa trabaho ay sa bar na pag-aari ng kaibigan niya siya dumidiretso at doon nilulunod ang sarili sa alak.
Si Cecilia ang nagbukas ng pinto at siya ring umalalay sa lalaki patungo sa silid nito.
Nang maihiga niya si Bernard sa kama ay hindi agad siya umalis at ilang saglit na nanatili roon. Pinagmasdan niya ang maamong mukha ng lalaki.
“Sir Bernard…hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko…ayokong maramdaman ‘to, pero…pero hindi ko mapigilan…parang ayoko ng umalis sa tabi mo, kahit alam kong hindi mo ako kailangan…”
Unti-unting inilapit ni Cecilia ang kanyang mukha sa mukha ng lalaki. Ngunit hindi niya itinuloy na idampi ang kanyang labi sa mga labi nito. Tumayo siya at marahang humakbang patungo sa pintuan.
“Hindi…hindi ko kaya…”
“Cecilia!” si Lola Corazon.
Hindi umimik ang dalaga.
“Anong ginagawa mo sa silid ni Bernard?”
“Hinatid ko lang po siya at inihiga. Lasing na lasing po kasi ulit siya.”
“Sige. Salamat. Ako na ang bahala sa kanya.”
Pagkarinig niyon ay tinalikuran na ng dalaga ang matanda na sinundan naman siya ng tingin.
Makalipas ang ilang araw ay muling dumating si Roden sa isla bitbit ang isang sorpresa para kay Angela. Dinatnan niya itong nakaupo sa gilid ng papag. Tulad ng dati ay wala pa rin itong imik.
Iniabot niya rito ang isang boquet ng mga rosas na pula.
“Angela, this is for you.”
Ni hindi tiningnan ng babae ang bulaklak. Ang mga mata nito ay nakatanaw sa labas ng bintana ng silid.
Dinukot ni Roden mula sa bulsa ng kanyang pantalon ang sorpresa niya. Isang maliit na kahon iyon na naglalaman ng binili niyang kuwintas. Pero bago niya iniabot kay Angela ang kuwintas ay inalis na muna niya ang kuwintas na nasa leeg nito at inilapag iyon sa papag.
“Hindi na bagay sa’yo ang lumang kuwintas na ‘yan. Lahat ng bahagi ng nakaraan mo ay aalisin ko na.”
Siya mismo ang nagsuot ng bagong kuwintas sa leeg ni Angela.
“Ito ang magiging simbolo ng pagmamahal ko sa’yo Angela. Ito ang magpapaalala sa’yo na mula ngayon ay sa akin ka na lamang. Ako lang at wala ng iba pa.”
Ang nalulumbay na mga mata ni Angela ay unti-unting bumaba at dumako sa kuwintas na inilapag ni Roden sa papag. Tila ba may ipinapaalala sa kanya ang kuwintas na ito.
(ITUTULOY)
-
Phil. Taekwondo Association pinayuhan mga members na pagtuunan pa rin ang pag-eensayo
Pinayuhan ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ang kanilang mga national players na pagtuunan ng pansin ang pagsasanay kaysa makibahagi sa virtual training seminar. Sinabi ni PTA secretary-general Rocky Samson, nakarating sa kaalaman ng kanilang local taekwondo grand master Sung Chon Hong na inuuna pa ng ilang mga taekwondo athletes ang pagtuturo online. Ibinunyag […]
-
Mga pribadong kumpanya, maaaring makabili ng bakuna laban sa Covid-19
TINIYAK ng Malakanyang na makabibili ng COVID-19 vaccines ang lahat ng pribadong kumpanya para sa kanilang mga empleyado. May ilan kasing mambabatas ang nagpahayag ng pag-aalala sa di umano’y plano ng Department of Health (DoH) at National Task Force Against COVID-19 na hadlangan ang mga pribadong kompanya na ang negosyo ay sigarilyo, infant milk […]
-
SBP doble kayod sa paghikayat sa FIBA para maglaro sa Gilas si Clarkson
Patuloy ang ginagawang pakikipag-usap ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) sa mga opisyal ng FIBA para makuhang makapaglaro sa Gilas Pilipinas si NBA Filipino-American player Jordan Clarkson. Sinabi ni SBP President Al Panlilo, nais nilang ipabasura sa FIBA ang pag-require sa mga atleta na dapat mag-secure sila ng passport sa edad 16 bago maging […]