DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 15) Story by Geraldine Monzon Art by Dhan Lorica
- Published on January 27, 2022
- by @peoplesbalita
“Bernard, saan ka kamo pupunta?” muling tanong ni Lola Corazon habang nag-iimpake ang lalaki.
“Kakasabi ko lang po lola, may importanteng bagay akong aasikasuhin sa isang isla.”
“May kinalaman sa trabaho?”
“Opo.”
“Sige, kung gano’n, mag-iingat kang mabuti. Hindi ko na kakayanin pa kung ikaw naman ang mawawala.”
“Mag-iingat ako lola.” Pagkasabi niyon ay isinara na ni Bernard ang bagahe niya at lumabas na ng silid kasunod ang matanda.
Nasa salas si Cecilia nang bumaba sa hagdan ang maglola. Sa pagmamadali ni Bernard ay nabunggo pa niya ang balikat ng dalaga.
“Sorry.” Yun lang at diretso na itong lumabas ng bahay.
Nagtataka naman si Cecilia.
“L-Lola Corazon, saan ho ba pupunta si Sir Bernard, bakit madaling madali yata siya?”
“Ang totoo hindi ko rin alam. Basta ang sabi niya importante ang aasikasuhin niya. Sa pagkakakilala ko sa aking apo, wala ng mas higit pang mahalaga para sa kanya kundi si Angela. Kaya may kutob akong may kinalaman ang lakad niyang ito sa kanyang asawa. Harinawa’y para sa ikabubuti.”
Hindi nakaimik si Cecilia. Kung si Angela ang pinakamahalaga kay Bernard, tiyak na mahihirapan siyang palitan ito sa puso niya.
Habang patungo sa isla ay nanginginig ang kalamnan ni Bernard. Magkahalong pananabik at galit ang lumulukob sa kanyang emosyon. Pananabik kay Angela at galit naman para kay Roden.
Tila sinusubok naman ang haba pa ng pasensya ni Bernard nang magkaaberya ang bus na sinasakyan. Gayundin ang ferry na patungo sa isla. Maging ang bangkang maghahatid sa kanya sa mismong lokasyon nina Roden sa isla ay may aberya din.
“Pasensya na po kayo, hintayin na lang natin na makabalik ang bangka. Kinulang kasi tayo sa bangkero, nasiraan pa tayo ng bangka.” anang namamahala.
Napahugot na lang ng malalim na paghinga si Bernard. Pero tamang tama lang padilim na. Gusto niyang masorpresa si Roden sa kanyang pagdating. Tinapunan niya ng tingin ang isang bangkero na ginagawa ang kanyang bangka. Nilapitan niya ito.
“Bro, tulungan na kita?”
“Ha?”
“Tutulungan na kita. Babayaran kita ng malaki kung maihahatid mo ako sa pinakamabilis na paraan patungo sa Isla Asul.”
“Ha? E sige boss, may alam akong shortcut. Pero simplehan lang natin, tulungan mo akong mabitbit ang bangka ko sa banda ro’n, doon natin gawin para walang makapansin at doon na rin tayo dumaan.”
“Ayos, salamat!”
Samantala.
Habang kumakain sila ng hapunan.
“Manang Fe, kumain na ho ba si Angela?”
“Konti. Pinagtyagaan ko siyang subuan.”
“Bukas matutuloy na ho ang alis ko. May aasikasuhin lang ako sa trabaho. Kayo na muna ang bahala sa kanya. Babalik din naman ako agad.”
“Roden, kailangan natin siyang mapatingnan…”
“Babalik din siya sa dati Manang Fe. Konting pagtitiyaga lang. Mag-iiwan ho ako ng perang panggastos nyo.”
“Ikaw ang bahala. Nag-aalala lang kasi ako sa kanya.”
Pagkatapos kumain ay pumasok si Roden sa silid ni Angela at inilock ang pinto. Nahihimbing na ang babae. Naupo siya sa gilid ng higaan nito.
“Angela…hindi ako aalis na hindi kita naaangkin…kailangang may mangyari sa atin ngayong gabi…”
Hinaplos ni Roden ang balikat ng babae. Pagkatapos ay masuyong hinagkan.
“Gagawin ko ang lahat para maangkin ko ang puso mo…mapapalitan ko rin si Bernard sa puso mo at mamahalin mo ako ng higit sa pagmamahal na ibinigay mo sa kanya…”
“Uuhhng…” nagigising gising si Angela dahil sa paghaplos at paghalik ni Roden sa balikat niya.
Ipinagpatuloy naman ni Roden ang ginagawa. Ang mga labi niya ay idinampi na rin niya sa leeg ng babae. Hahagkan na sana niya sa labi si Angela kasabay ng paghawak niya sa dibdib nito nang bigla itong magising.
“HUH?”
“Angela!”
Sa pagmulat ng mga mata ni Angela ay si Bela agad ang nasa isip.
“BELA!” sabay balikwas nito ng bangon.
Tinakpan ni Roden ang bibig ni Angela at pilit itong inihihiga muli. Subalit nagpupumiglas ang babae.
“BELAAA! BELAAA!” patuloy nitong sigaw kahit tinatakpan ni Roden ang bibig niya.
“Stop it Angela! STOP IT!”
Sa kabilang dingding ay napapaantanda na lang si Manang Fe.
“Diyos ko, sana matapos na ang problemang ito…” usal nito sa sarili.
Dahil sa paghihisterical ni Angela ay nakawala ito mula sa mga bisig ni Roden. Nang makahulagpos ay nagmamadali itong lumabas ng silid at patakbong lumabas ng bahay.
“ANGELA, ANGELA!” habol ni Roden.
Natulala naman si Manang Fe na dinaanan nila pareho.
Sige sa pagtakbo si Angela habang patuloy na isinisigaw ang pangalan ng anak.
“BELA, ANAK KOOO!”
“Pikon na pikon na’ko sa’yo Angela!” ani Roden habang patuloy na humahabol sa mabilis na pagtakbo ng babae patungo sa dalampasigan.
Hindi naman maintindihan ni Bernard ang nararamdaman. Iniisip pa lang niya ang magiging senaryo ng pagkikita nila ni Roden ay parang sasabog na ang dibdib niya sa sobrang galit.
“Hayup ka Roden, magbabayad ka sa ginawa mong pagtatago sa asawa ko!” aniya sa isip habang sakay ng bangka at nakatanaw sa malayo.
Nang maabutan ni Roden si Angela ay mahigpit niya itong hinawakan sa braso.
“Sumosobra ka na babae ka, puro pagpapasensya na lang ako sa’yo!”
“Si Bela, parang awa mo na, iligtas mo si Bela!” umiiyak na pagmamakaawa ni Angela.
“Wala na si Bela, patay na siya, wala ka ng anak, ikaw at ako na lang!”
Napakunot ang noo ni Bernard nang mula sa malayo ay matanaw ang imahe nina Angela at Roden.
“Angela…manong, pakibilisan mo pa!”
Hindi alintana ni Roden ang paparating na bangka dahil ang buong atensyon niya ay na kay Angela. Mariin ang paghawak niya sa braso nito habang hinihila pabalik sa bahay.
“ANGELAAAAA!” Ubod lakas na sigaw ni Bernard nang makalapit na ang bangka.
Natigilan sa pag-iyak si Angela nang marinig ang tinig na iyon. Unti-unti siyang lumingon sa pinanggalingan ng boses.
“Bernard…” halos pabulong na lumabas sa mga labi niya.
(ITUTULOY)
-
Taal volcano, itinaas sa alert level 3 ng Phivolcs
Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Siesmology (Phivolcs) sa alert level 3 ang Taal volcano, nitong Huwebes ng hapon. Nangyayari ito isang araw matapos kumpirmahin ng Phivolcs na “sulfur dioxide” mula Taal ang dahilan sa likod ng volcanic smog (vog) na nagpapalabo sa kapaligiran at hangin ng Metro Manila. “This serves […]
-
‘Quarantine sa mga fully vaccinated na travelers na dumarating sa PH hindi na mandatory’
Inanunsiyo ngayon ng Malacañang ang mas pagluluwag pa sa mga fully vaccinated na mga Filipinos at foreign nationals na dumarating sa bansa at nagmula sa tinaguriang green countries. Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque ang mga biyahero mula sa “countries o territories” na nabibilang sa mga low risk sa COVID-19 ay hindi na […]
-
PBBM, hinikayat ang publiko na magpartisipa sa traffic summit
INIMBITAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang publiko na makilahok sa nalalapit na traffic summit at sumali sa talakayan sa paghahanda ng paraan para mapabuti ang sitwasyon sa trapiko. Sa kanyang YouTube vlog, sinabi ni Pangulong Marcos na habang ang long-term infrastructure projects ay isinasagawa, patuloy pa ring naghahanap ang gobyerno ng […]