• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 43) Story by Geraldine Monzon

NAGISING si Bernard na si Regine at hindi si Angela ang katabi niya sa kanilang kama. Nagulat siya nang makitang pareho silang naked.

 

Nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto.

 

Nabigla si Bernard. Ngunit mas higit na nabigla si Bela.

 

“D-Dad?”

 

Namutla si Bernard. Hindi niya alam kung paano ang magiging reaksyon sa ganoong sitwasyon.

 

“Bela, it’s not what you think!”

 

Sa halip na talikuran ang senaryo ay dali-daling nilapitan ni Bela si Regine at niyugyog ito.

 

“Gumising ka! Gumising ka!”

 

“What?” pupungas pungas na sabi ng babae.

 

“Magbihis ka! Magbihis ka, dalian mo!” gigil na sabi ng dalaga.

 

Natataranta namang nagbihis si Regine. Gayundin si Bernard. Nang makapagbihis na ang mga ito at nakarinig ng papalapit na yabag si Bela mula sa labas ng kuwarto ay dali-dali niyang binuksan ang cr sa kuwarto at itinulak papasok doon si Regine.

 

Bumungad sa pintuan si Angela.

 

“Sweetheart, Bela, nakatulog ako sa kuwarto mo anak.”

 

“S-sweetheart, I’m sorry hindi kita nailipat dito sa room natin, nalasing kasi ako…”

 

Lumapit si Angela kay Bernard.

 

“It’s okay. Pareho naman tayong nalasing. I’m sorry din. Alam mo namang hindi ako umiinom, kaya lang mapilit si Regine.”

 

Niyakap ni Bernard ang asawa habang ang mga mata ay nakatingin kay Bela na puno ng pangamba.

 

“Mom, dad, pwede po ba akong maglambing sa inyo?”

 

“Oo naman Bela, anak!” mabilis na tugon ni Angela.

 

“Gusto ko po sanang magbreakfast ng kahit na anong luto ni mommy, samahan mo siya dad please?”

 

“Of course, it’s a good idea, tayo na sa kitchen sweetheart, tutulungan kitang magprepare ng breakfast para kay Bela!” sang-ayon ni Bernard na hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib.

 

Nang makalabas ng silid ang dalawa ay binalikan ni Bela si Regine sa loob ng cr na naninigarilyo.

 

“Anong ginagawa mo sa pamilya ko?”

 

“Don’t be manhid Bela. May relasyon kami ng daddy mo kaya natural lang na gawin namin ang ginagawa ng mga nagmamahalan, right?”

 

“Hindi ako naniniwala sa’yo. Mahal na mahal ni daddy si mommy!”

 

“Ows? Kung gano’n bakit pa siya nakikipagrelasyon sa akin kung totoo ‘yang sinasabi mo?”

 

Tumalsik ang sigarilyo na nasa bibig ni Regine nang malakas na mag-asawang sampal ang dumapo sa magkabilang pisngi niya mula sa kamay ni Bela. Nabigla ang babae at nasapo ang pisngi.

 

“Umalis ka sa buhay namin kung ayaw mong mamanhid hindi lang ang pisngi mo!” nagpupuyos ang kaloobang ani Bela. “ Sa susunod na makita kita sa tabi ng daddy ko, sisiguraduhin ko na hindi mo magugustuhan ang gagawin ko, kaya huwag mo akong susubukan!” gigil sa galit na sabi ng dalaga.

 

Hindi makahuma si Regine. Hindi niya akalain na ang maamong mukha ng dalaga ay may ikinukubling tapang.

 

“Umalis ka na, sa likod ka dumaan, bago pa magdilim ang paningin ko at makalimutan kong ikaw ang ina ng kaibigan kong si Janine.”

 

“Okay fine, aalis ako.” kunot noong ani Regine.

 

Bago ito tuluyang makalabas ng cr ay may pahabol na salita pa si Bela.

 

“Ito ang tandaan mo, hindi mo magagawang saktan si mommy. Bago mo masira ang pamilya ko, dadaan ka muna sa akin at sisiguraduhin ko na ikaw ang unang unang masisira.” mariin na sabi ng dalaga.

 

Tuluyan nang lumabas ng cr si Regine at sa likod nga ito dumaan tulad ng sinabi ni Bela.

 

Habang sakay ng taxi pauwi ay nagngingitngit ang kalooban nito.

 

“Hayup na batang ‘yon, sana hindi na lang siya natagpuan!” bulong niya sa sarili. “Kung hindi siya nakialam, tagumpay na sana ang plano ko na makita kami ni Angela sa ganoong sitwasyon. Siguradong maghihiwalay sila at hindi magtatagal ay babalik na sa akin si Bernard…peste talaga ang Bela na ‘yon!”

 

Hindi komportable si Bernard habang nag-aalmusal sila.

 

“Sweetheart, ituloy na natin ‘yung plano nating pagpapa-renovate ng bahay natin sa Villa Luna. Gusto ko nang makabalik doon sa dream house natin. Tutal ay pumayag na si Lola Corazon na mamamalagi siya roon kasama natin. Tulad ng dati, bibisitahin na lang ulit niya itong bahay niya paminsan minsan.” si Angela.

 

“S-sige. Paano yung restaurant?” tanong ni Bernard.

 

“May sasakyan naman tayo kaya hindi naman ako mahihirapan na pumasok pa rin doon kahit 3 to 4x a week.”

 

“What do you think Bela?” baling ni Angela sa anak.

 

“Okay po mom. Gusto ko rin po ulit na makabalik tayo sa dati nating bahay.”

 

Matapos mag-almusal ay nilapitan ni Bernard si Bela nang makita niya itong nagdidilig ng halaman.

 

“Anak…I’m sorry…mali ang iniisip mo sa akin.”

 

Hindi kumibo si Bela.

 

“Nalasing ako kagabi at nang magising ako, nagulat ako na naroon si Regine sa kuwarto namin ng mommy mo…I’m sure, I’m very sure na walang nangyari sa amin. Kahit lasing ako tanda ko ang mga ginawa ko kagabi. Hindi ko iyon magagawa sa mommy mo.”

 

Huminga ng malalim si Bela bago nagsalita.

 

“I know dad…baka sinet-up lang ng kayo ng babaeng ‘yon. Sinabi ni mommy kanina na pinilit siya ni Regine na uminom. Kaya sa tingin ko plano na niya talaga ‘yon.”

 

Napayuko si Bernard sa kahihiyan sa anak.

 

“Dad, huwag ka pong mag-alala, hindi po ito malalaman ni mommy. Sobrang sakit na po ng pinagdaanan niya dati sa piling mo. Sobrang sakit din ng pinagdaanan niya noong mawala ako. Kaya ngayon, hindi ko hahayaan na masaktan ulit siya. Protektahan natin siya ng pagmamahal natin dad laban sa mga taong gustong sirain ang pamilya natin.”

 

Tumango si Bernard at niyakap ang anak.

 

“Pangako anak, pangako…”

 

Napangiti si Angela mula sa loob ng bahay nang matanaw na magkayakap ang mag-ama niya.

 

Samantala sa bahay ng mga Dominguez.

Nilapitan ni Manang Sonya si Jeff na kumakain ng lunch.

 

“Sir Jeff, nabalitaan ko na tatanggapin mo na raw ang trabaho sa companyo nyo, sa Sta.Rosa branch?”

 

“Gusto kong mapalapit kay Andrea manang kaya ko ‘yon tinanggap.”

 

“Mukha yatang nahulog na ng husto ang loob mo sa kanya.”

 

Ngiti ang itinugon ng binata.

 

“Mukha namang magkakasundo kayo ng mga magulang ni Andrea dahil sa pagkakaalam ko ay pareho ang mga magulang nyo na nasa real estate business.”

 

Hindi kumibo si Jeff.

 

Magkakasamang dinalaw nina Angela, Andrea at Bernard ang puntod ni Janine. Nagtirik sila ng kandila at nag-alay ng bulaklak at dasal.

 

“Janine,alam kong alam mo ang magandang nangyari sa buhay ko. Ikaw ang naging daan para mabuo kaming pamilya. At paulit –ulit ko yung aalalahanin sa isip ko. Pero patawarin mo sana ako kung nagawa ko mang saktan ang mama mo…sana maintindihan mo ako.” sa isip ni Bela.

 

Pinili ni Bela na ipagpatuloy ang pag-aaral. Kaya pinaghahandaan na niya ito. High school lang kasi ang natapos niya. Gusto niyang ipagmalaki siya ng mga magulang balang araw kaya gagawin niya ang lahat para maiangat ang sarili para sa mga ito. Nasa ganoon siyang pagmumuni-muni sa loob ng kanyang silid nang tumunog ang cellphone niya.

 

Si Jared ang nasa kabilang linya.

 

“Hello Jared, bakit?”

 

“Aayain sana kitang lumabas kung pwede.”

 

“Saan naman tayo pupunta?”

 

“Kahit saan mo gusto, sa mall?”

 

“Sige, pero sandali lang tayo ha. May gagawin pa kasi ako.”

 

“Yown! Okay thanks, daanan kita mamayang 4pm ha!”

 

Kakababa lang niya ng phone nang muli itong tumunog.

 

“Oo na Jared.” sagot agad niya nang hindi tinitingnan kung sino ang tumawag. Akala niya kasi ay si Jared pa rin ito.

 

“Anong oo na Jared, si Jeff to!” banas na sagot ng nasa kabilang linya.

 

“Sir Jeff?”

 

“Lumabas  ka, nandito ako sa harap ng gate nyo.”

 

Kinakabahang hinawi ni Bela ang kurtina sa bintana ng room niya at nakita nga niya ang binata na nakaupo sa motor nito sa harap ng gate habang nakikipag-usap sa kanya sa cellphone.

 

(ITUTULOY)

Other News
  • NCR, nananatili sa ilalim ng GCQ- Roque

    INIREKOMENDA at inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Community Quarantine Classifications para sa iba’t ibang lugar sa bansa para sa mga nananatiling mga araw ng buwan ng Hulyo.   Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ay ang National Capital Region, Baguio City […]

  • Landslide win ni Bongbong sa 2022 Presidential elections posible ayon sa isang online survey

    Sa kabila ng mga batikos na ibinabato sa kanya, lumilinaw ang tiyansa ni Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na magtala ng landslide na panalo sa darating na 2022 elections ayon na rin sa resulta ng isang online survey na isinagawa ng isa sa mga pangunahing pahayagan sa bansa.       Nanguna si Marcos […]

  • Dahil may ‘something’ na sila ni RAYVER: JULIE ANNE, in-unfollow na ni JANINE sa kanyang Instagram at Twitter account

    ANG pagiging mas lalong malapit nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz kaya ang dahilan kung bakit ini-unfollow na raw ni Janine Gutierrez si Julie sa Instagram at Twitter account nito?     Nalaman namin na naka-unfollow na si Janine kay Julie dahil sa mga tila imbestigador na mga fans. Sila ang nakapansin na […]