• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 5) Story by Geraldine Monzon

NAGULAT  si Bernard nang sabihin ni Madam Lucia na ang kuwintas ang siyang makapagliligtas sa pagmamahalan nila ng tanging babaeng nasa puso niya.

 

“Ginoo, tanggapin mo na sana ito!”

 

“Bernard, tanggapin mo na, sayang din ‘yan.” Ulok ni Marcelo.

Sinulyapan ni Bernard si Cecilia na nakaupo sa isang sulok ng kulungan. Nakayuko na tila malalim ang iniisip.

“Lola, pasaway ho ba talaga ang apo nyong ‘yan?” tanong ni Bernard.

“H-hindi naman lagi. Ang totoo mabait na bata si Cecilia. Napasama lang sa maling barkada.”

Nagbuntong hininga si Bernard bago muling nagsalita.

“Sige lola. Alang-alang sa’yo, iuurong ko na ang kaso laban sa kanya. Pero sana kausapin nyo siyang mabuti tungkol sa pagiging pasaway niya. Matanda na kayo para bigyan pa niya ng sakit ng ulo.” Sabay soli ni Bernard ng mga kuwintas sa kamay ng matanda.

Subalit…

“Hindi, hindi mo ito maaaring isauli sa akin. Nakalaan talaga ito sa’yo. Malakas ang pakiramdam ko. Kaya hindi mo ito dapat tanggihan. Sige na hijo, tanggapin mo na.”

“Oo nga naman Bernard, tanggapin mo na, ibigay mo kay Angela ang isa, yung maayos ang kondisyon.”

 

Dahil sa pagpupumilit ng matanda ay napilitan na rin si Bernard na tanggapin ito.

 

“Salamat, salamat ng marami!” anang matanda.

 

May ibinulong si Marcelo kay Bernard.

 

“Pre, kung nag-aalala ka na baka nakaw din ‘yan, gusto mo itanong ko kay lola kung saan galing?”

 

“Hindi na. Ayoko ng dagdagan ang problema ng matanda sa apo niya. Mauuna na’ko ha, salamat sa tulong.”

 

“Anytime Bernard.”

 

Habang sakay ng tricycle pauwi ay inis si Cecilia sa lola niya.

 

“Hindi mo dapat ibinigay ang mga kuwintas na ‘yon kapalit ng kalayaan ko lola.”

 

“Bakit naman? Mas mahalaga pa ba ang mga kuwintas na ‘yon kasya sa kalayaan mo?”

 

“Baka makatulong ‘yon sa pinansiyal na pangangailangan mo. Marami kang gamot na kailangan mabili.”

 

“Huwag mo akong alalahanin. Kahit matanda na’ko, malakas pa rin naman ang kita ko sa panghuhula.”

 

“Na hindi mo na dapat ginagawa.”

 

“Manahimik ka na nga diyan Cecilia. Pasalamat ka na lang at madaling kausap ang lalaking ‘yon.”

 

Pagdating ni Bernard sa bahay ay sinalubong agad siya ng yakap ni Angela.

 

“Kumusta si Cecilia Bernard?”

 

“Ayos lang. Laya na siya.”

 

“Talaga, paano?”

 

“Dumating ang lola niya. Nakakaawa yung matanda kaya hinayaan ko na.”

 

“Alam ko namang malambot din ang puso mo.”

 

Hindi muna ibinigay ni Bernard ang kuwintas sa asawa. Gusto niya itong ibigay sa sweet na paraan kaya itinago na muna niya.

Nalalapit na ang kaarawan ni Angela kaya nag-iisip na si Bernard kung anong sorpresa ang maihahanda niya para rito. Hindi na muna niya pinauwi ang kanyang Lola Corazon upang makatuwang niya sa nalalapit na kaarawan ng pinakamamahal niyang asawa. Kung bakit kasi ayaw na lang pumirmis ni Lola Corazon sa kanila. Hindi nito maiwan-iwan ang sariling bahay. Ayaw din naman niya na doon sila manirahan ni Angela dahil gusto rin niya na meron silang sariling tahanan para sa kanilang binuong pamilya. Kaya ang nangyayari tuloy ay palagi na lang niya itong ipinasusundo kay Mang Delfin na on call driver nila kapag hindi niya maipagmamaneho si Angela.

 

Ngayong magiging dalawa na ang anak nila ay nadagdagan pa ang inspirasyon ni Bernard sa trabaho. Sa real estate company na pinagtatrabahuhan niya ay candidate siya for managerial position. Kaya naman doble kayod siya at full effort sa trabaho. Bagay na tinututulan ni Angela, dahil ang gusto nito ay maging relax lang siya at hindi ma-over fatigue sa work.

Ang gusto rin sana ni Angela ay maging career woman. Bagay naman na tinutulan ni Bernard dahil mas gusto nito na maging reyna lang si Angela ng tahanan nila at tutukan na lamang  ang pagpapalaki sa kanilang mga anak. Nagkasundo naman sila dahil mas importante sa kanila ang kanilang pag-ibig kaysa anupamang bagay.

 

Excited si Lola Corazon sa magandang plano nila ni Bernard para sa kaarawan ni Angela. Siya mismo ang nakipag-usap sa catering, sa tutugtog ng violin at sa iba pang inihanda nilang sorpresa.

 

Ilang araw pa ang matuling lumipas at sumapit na ang birthday ni Angela. Hindi naman ito nag-eexpect ng anumang magarbong sorpresa sa birthday niya. Ang usapan kasi nila ni Bernard ay kakain lang sila sa isang restaurant mamayang gabi kasama ang anak nilang si Bela at syempre si Lola Corazon. Sapat na iyong selebrasyon para sa kanya.

 

Gabi. Excited na si Bernard na makauwi. Alas otso ang simula ng surprise party ni Angela kaya dapat alas siyete pa lang ay nasa bahay na siya. Magkukunwari siyang pagod at hindi na makakapagdinner pa sa resto para talagang masorpresa ang asawa sa inihanda nilang gimik ni Lola Corazon.

Nangingiti pa siya sa isiping iyon. Hindi agad niya napansin ang kasalubong na trak na gumegewang gewang.

 

Nakapamintana si Angela at naghihintay sa pag-uwi ni Bernard nang bigla siyang kabahan na hindi niya mawari. Napahawak siya sa kanyang tiyan.

 

“Angela, ayos ka lang ba?”

 

“E-Ewan ko po lola. Parang biglang umalon ang dibdib ko. Si Bela po ba tulog na?”

 

“Nasa silid na niya. Pero hinihintay din niya ang kanyang daddy.”

 

Hindi na naiwasan ni Bernard ang pagbangga ng kotse niya sa kasalubong na trak.

 

Nasaksihan iyon ni Cecilia na kasalukuyang naglalakad sa gilid ng kalsada nang mga sandaling iyon. Saglit itong natulala pero patakbo ring nilapitan ang kotse.

 

“I-IKaw?”

 

Nanlaki  ang mga mata niya nang makitang si Bernard ang sakay niyon. Duguan at wala ng malay. Gumawa siya ng paraan upang mahila ito palabas ng sasakyan. Hinila pa niya ito hanggang sa makalayo ng konti. Sakto namang pagkalayo nila ay saka sumabog ang kotse.

 

(ITUTULOY)

Other News
  • Senior high students mauuna sa face-to-face classes

    Posible na mauna ang mga senior high school (SHS) students na makapag-face-to-face classes sakaling payagan na ito ulit ng gobyerno.     Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, sa ngayon ay patuloy na ang paghahanda ng ahensiya para sa dry run ng limited face-to-face classes habang hinihintay ang pagpayag ni Pangulong Rodrigo Duterte at […]

  • Fernandez humirit sa DBM

    NAKIUSAP ang Philippine Sports Commission (PSC) sa Department of Budget and Management (DBM) para makuha sa lalong madaling panahon ang P397M pondo na gugugulin sa trainings at competitions ng mga atleta para sa ngayong taon.     Ipinahayag Biyernes ni PSC Commissioner Ramond Fernandez, na sumasakop ang halaga para sa 31st Southeast Asian Games 2021 […]

  • SHARON, nag-post ng nakaka-touch na mensahe para sa 21st birthday ni FRANKIE

    NAG-POST si Megastar Sharon Cuneta ng nakaka-touch na birthday message para sa anak na si Simone Francesca Emmanuelle Cuneta Pangilinan na ipinanganak noong December 16, 2000.     Post pa ni Sharon na isang Sagittarius si Frankie and was born in the Chinese year of the Golden Dragon.     Caption ni Mega, “21. At […]