Defending champion Bucks isang panalo na lang para umusad sa 2nd round
- Published on April 27, 2022
- by @peoplesbalita
ISANG panalo na lamang ang kailangan ng defending champion na Milwauke Bucks para umusad sa second round ng NBA playoffs matapos na ilampaso ang Chicago Bulls sa score na 119-95.
Dinomina ng dating MVP na si Giannis Antetokounmpo ang laro nang kumamada ng 32 points, 17 rebounds at seven assists upang iposte ang 3-1 lead laban sa Bulls sa nagpapatuloy na first round series sa Eastern Conference.
Malaking tulong din ang ginawa sa Bucks ni Grayson Allen na nagbuhos ng 27 points, kasama na ang anim na three pointers.
Maging si Jrue Holiday ay nagpakitang gilas sa kanyang 26 puntos.
Sa panig ng Bulls nanguna sa bigong kampanya si Zach LaVine na may 24 points at 13 assists at si DeMar DeRozan ay nagdagdag ng 23.
Posibleng tapusin na ng Milwaukee ang serye sa Game 5 sa darating na Huwebes.
-
PBBM, ikinatuwa ang naging pasiya ng MANIBELA at PISTON na tapusin na ang kanilang tigil- pasada
LABIS na ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang naging desisyon ng dalawang transport groups na itigil na ang kanilang ikinasang tigil-pasada at hindi na paaabutin pa ito ng isang linggo. Sa ipinalabas na kalatas ng Presidential Communications Office (PCO), sinabi nitong masaya ang gobyerno sa naging pasiyang MANIBELA at PISTON kasunod ng […]
-
Ads November 22, 2023
-
DSWD ‘nag-sorry,’ magsasagawa ng ‘recalibration’ sa ‘payout system’
HUMINGI nang paumanhin si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Erwin Tulfo matapos na magdulot ng kaguluhan sa ilang tanggapan nila ang programa sa Educational Assistance Payout sa mga student-in-crisis. Layon ng naturang programa sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ay makatulong sa pagbili nila ng mga […]