• April 11, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Degradation ng Sierra Madre, pinaiimbestigahan

PINAIIMBESTIGAHAN ng chairman ng House committee on natural resources ang degradation o unti-unting pagkasira ng Sierra Madre mountain range.

 

 

Sa House Resolution No. 430, nais din makahanap ng mga paraan si Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., upang maprotektahan ang naturang kabundukan upang maiwasan ang pagbaha sa iba’t iban lugar sa bansa.

 

 

“There is an urgent need to determine whether human activity such as illegal logging, gold mining, limestone mining, construction aggregate quarrying, deforestation and dam construction are being conducted at the Sierra Madre Mountains,” ani Barzaga sa naturang resolusyon.

 

 

Kung may nagaganap aniyang quarrying sa nasabing lugaray kailangang mabatid kung may nakuha silang permits at kung may ginawang environmental impact assessments.

 

 

Ang Sierra Madre Mountains ay pinakamahabang kabundukan o mountain range sa Pilipinas na may total land area na 2.8 million hectares at sumasakop mula Cagayan province sa hilaga hanggang Quezon sa timog at 10 probinsiya sa Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Rizal, Laguna at Quezon.

 

 

Nagsisilbi itong natural shield laban sa bagyo at pagbaha na nanggagalin sa Pacific Ocean.  Sinusuportahan ng watershed nito ang water system ng Central Luzon, Cagayan Valley at Metro Manila.

 

 

“It is home to flora and fauna including the Philippine eagle and the golden-crowned flying fox.  It is also home to 15 different indigenous peoples holding Certificate of Ancestral Domain Titles or ancestral domain claims groups,” dagdag nito.

 

 

May naging papel din ang Sierra Madre Mountains sa pagbibigay proteksyon sa pagtama ng mga bagyong “Karding,” “Ompong” noong 2018, “Lawin” at “Karen.”

 

 

Subalit, hindi nito naprotektahan ng buo ang bayan ng San Miguel, Bulacan mula sa bagyong ‘Karding’ na dumanas na matinding pagbaha naikinasawi ng limang provincial anti-disaster rescuers. (Ara Romero)

Other News
  • ELLA, inamin na parang ‘hinusgahan’ niya agad si Direk DARRYL dahil sa mga bashers

    HUMARAP sa members of the media ang cast ng Gluta para sa very first face to face presscon ngayong pandemic.     Dumalo sa presscon sina Ella Cruz, Marco Gallo, Rose Van Ginkel, at Juliana Parizcova Segovia who all expressed excitement dahil muli nilang nakaharap ang members of the media in the flesh.     […]

  • Pacquiao sinimulan na ang ensayo para sa laban kay Spence

    Sinimulan na ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao ang kaniyang pag-eensayo para sa WBC-IBF welterweight fight niya kay Errol Spence Jr.     Sa kaniyang social media, ibinahagi ng fighting senator ang kaniyang ginagawang ensayo sa Forbes Park mansion.     Inaasahan na sa susunod na mga linggo ay makakasama na niya ang kaibigan at […]

  • Welga ng PUJs bigo

    NABIGO ang mga welgista ng grupo sa transportasyon na miyembro ng public utility jeepneys (PUJs) dahil sa ginawang matinding paghahanda ng Metro Manila mayors sa nakaraang 2 araw ng welga noong Lunes at Martes.       Nag-welga at nag-protesta ang mga drivers at operators ng PUJs dahil sa kanilang masidhing pagtutol sa pagpapatupad ng […]